modyul 2...IKALAWANG MARKAHAN
Kaligirang Pangkasaysayan ng
Tanka at Haiku
Isinalin sa Filipino ni M.O.
Jocson
Ang Tanka
at Haiku ay ilang anyo ng tula na pinahahalagahan ng panitikang Hapon.
Ginawa ang Tanka noong ikawalo siglo at ang Haiku noong ika-15
siglo. Sa mga tulang ito layong pagsama-samahin ang mga ideya at imahe sa
pamamagitan ng kakaunting salita lamang.
Ang
pinakaunang Tanka ay kasama sa kalipunan ng mga tula na tinawag na Manyoshu o
Collection of Ten Thousand Leaves. Antolohiya ito na naglalaman ng iba’t
ibang anyo ng tula na karaniwang ipinahahayag at inaawit ng nakararami.
Sa panahong lumabas ang Manyoshu,
kumawala sa makapangyarihang impluwensiya ng sinaunang panitikang Tsino ang mga
manunulat na Hapon.
Ang mga unang makatang Hapon ay
sumusulat sa wikang Tsino sapagkat eksklusibo lamang ang wikang Hapon sa
pagsasalita at wala pang sistema ng pagsulat.Sa pagitan ng ikalima hanggang
ikawalo siglo, isang sistema ng pagsulat ng Hapon ang nilinang na mula
sa karakter ng pagsulat sa Tsina upang ilarawan ang tunog ng Hapon.
Tinawag na Kana ang ponemikong karakter na ito na ang ibig sabihin ay “
hiram na mga pangalan”.
Noong
panahong nakumpleto na ang Manyoshu, nagsimulang pahalagahan ng mga
makatang Hapon ang wika nila sa pamamagitan ng madamdaming pagpapahayag.
Kung historikal ang pagbabatayan, ipinahahayag ng mga Hapon na ang Manyoshu
ang simula ng panitikan nilang nakasulat na matatawag nilang sariling-sarili
nila.
Maiikling awitin ang ibig sabihin ng Tanka na puno ng
damdamin. Bawat Tanka ay nagpapahayag ng emosyon o kaisipan. Karaniwang paksa
naman ang pagbabago, pag-iisa, o pag-ibig.
Tatlumpu’t isa ang tiyak na
bilang ng pantig na may limang taludtod ang tradisyunal na Tanka. Tatlo sa mga
taludtod ay may tig-7 bilang ng pantig samantalang tig-5 pantig naman ang
dalawang taludtod. Nagiging daan ang Tanka upang magpahayag ng damdamin sa
isa’t isa ang nagmamahalan (lalaki at babae). Ginagamit din sa paglalaro ng aristocrats
ang Tanka, kung saan lilikha ng tatlong taludtod at dudugtungan naman ng
ibang tao ng dalawang taludtod upang mabuo ang isang Tanka.
Gaya nga nang naipahayag na sa
unang bahagi ng tekstong ito, noong ika-15 siglo, isinilang ang bagong anyo ng
pagbuo ng tula ng mga Hapon. Ang bagong anyo ng tula ay tinawag na Haiku.
Noong panahon ng pananakop ng
mga Hapon sa Pilipinas lumaganap nang lubos ang Haiku. Binubuo ng
labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludturan.
Ang pinakamahalaga sa Haiku ay
ang pagbigkas ng taludtod na may wastong antala o paghinto .Kiru ang
tawag dito o sa Ingles ay cutting. Ang kiru ay kahawig ng sesura
sa ating panulaan. Ang Kireji naman ang salitang paghihintuan o “cutting
word”. Ito ay kadalasang matatagpuan sa dulo ng isa sa huling tatlong parirala
ng bawat berso. Ang kinalalagyan ng salitang pinaghintuan ay maaaring
makapagpahiwatig ng saglit na paghinto sa daloy ng kaisipan upang
makapagbigay-daan na mapag-isipan ang kaugnayan ng naunang berso sa sinundang
berso. Maaari rin namang makapagbigay - daan ito sa marangal na pagwawakas.
Ang mga salita na ginagamit ay
maaaring sagisag ng isang kaisipan. Halimbawa ang salitang kawazu ay “palaka”
na nagpapahiwatig ng tagsibol. Ang shigure naman ay “ unang ulan sa
pagsisimula ng taglamig”. Mahalagang maunawaan ng babasa ng Haiku at
Tanka ang kultura at paniniwala ng mga Hapon upang lubos na mahalaw ang
mensaheng nakapaloob sa tula.
Estilo ng Pagkakasulat ng
Tanka at Haiku
Parehong anyo ng tula ang
Tanka at Haiku ng mga Hapon. Maiikling awitin ang Tanka na binubuo ng
tatlumpu’t isang pantig na may limang taludtod. Karaniwang hati ng pantig sa
mga taludtod ay: 7-7-7-5-5, 5-7-5-7-7 o maaaring magkapalit-palit din na ang
kabuuan ng pantig ay tatlumpu’t isang pantig pa rin.
Samantala, ang Haiku ay mas
pinaikli pa sa Tanka. May labimpitong bilang ang pantig na may tatlong
taludtod. Maaaring ang hati ng pantig sa mga taludtod ay: 5-7-5 o maaaring
magkapalit-palit din na ang kabuuan ng pantig ay labimpito pa rin.
Karaniwang paksa ng Tanka ay
pagbabago, pag-ibig, at pag-iisa. Ang paksang ginagamit naman sa Haiku ay
tungkol sa kalikasan at pag-ibig. Parehong nagpapahayag ng masidhing damdamin
ang Tanka at Haiku.
Tanka ni Ki no Tomonori
Isinalin sa Filipino ni Vilma
C. Ambat
|
||
Hapon
|
Ingles
|
Filipino
|
Hi-sa-ka-ta no
Hi-ka-ri no-do-ke-ki
Ha-ru no hi ri
Shi-zu ko-ko-ro na-ku
Ha-na no chi-ru-ra-mu
|
This perfectly still
Spring day bathed in soft
light
From the spread-out sky
Why do the cherry blossoms
So restlessly scatter
down?
|
Payapa at tahimik
Ang araw ng tagsibol
Maaliwalas
Bakit ang Cherry Blossoms
Naging mabuway.
|
Alam mo ba na…
Kung may Tanka at Haiku ang
Hapon, tayo naman sa Pilipinas ay may Tanaga? Ito ay isang uri ng
sinaunang tula ng mga Pilipino na may layong linangin ang lalim ng pagpapahayag
ng kaisipan at masining na paggamit ng antas ng wika. Binubuo ito ng
tigpipitong pantig sa bawat taludtod ng bawat saknong.
Ito ay makahulugang tunog. Sa
paggamit ng suprasegmental, malinaw na naipahahayag ang damdamin, saloobin, at
kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita. Sa pakikipagtalastasan, matutukoy natin
ang kahulugan, layunin o intensyon ng pahayag o ng nagsasalita sa pamamagitan
ng diin, tono o intonasyon, at antala o hinto sa pagbibigkas at pagsasalita.
a. Diin – Ang diin, ang lakas, bigat, o bahagyang pagtaas ng
tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa salita. Ang diin ay isang ponema sapagkat
sa mga salitang may iisang tunog o baybay, ang pagbabago ng diin ay
nakapagpapabago ng kahulugan nito.
Maaring gamitin sa pagkilala ng
pantig na may diin ang malaking titik.
Mga halimbawa:
a) BU:hay = kapalaran ng tao b)
LA:mang = natatangi
bu:HAY = humihinga pa la:MANG =
nakahihigit; nangunguna
b. Tono / Intonasyon - Ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring
makapagpasigla,makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin, makapagbigay-kahulugan,
at makapagpahina ng usapan upang higit na maging mabisa ang ating
pakikipag-usap sa kapwa.
Nagpalilinaw ito ng mensahe o
intensyong nais ipabatid sa kausap tulad ng pag-awit. Sa pagsasalita ay may
mababa, katamtaman at mataas na tono. Maaaring gamitin ang bilang 1 sa mababa,
bilang 2 sa
katamtaman at bilang 3 sa
mataas.
Mga halimbawa:
a) Kahapon = 213,
pag-aalinlangan
Kahapon = 231, pagpapatibay,
pagpapahyag
b) talaga = 213,
pag-aalinlangan
talaga = 231, pagpapatibay,
pagpapahayag
C.Antala/Hinto - Bahagyang
pagtigil sa ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig
ipahatid sa kausap.Maaaring gumamit ng simbolo kuwit( , ),dalawang guhit na
pahilis (//) o gitling ( - )
Mga halimbawa:
a) Hindi/ ako si Joshua.
(Pagbigkas ito na ang hinto ay
pagkatapos ng HINDI. Nagbibigay ito ng kahulugan na ang nagsasalita ay
nagsasabing siya si Joshua na maaaring siya’y napagkamalan lamang na si Arvyl.)
b) Hindi ako, si Joshua.
(Pagbigkas ito na ang hinto ay
nasa AKO. Pagpapahiwatig ito na ang kausap ay maaaring napagbintangan ng isang
bagay na hindi ginawa. Kaya sinasabi niyang hindi siya ang gumawa kundi si
Joshua)
c) Hindi ako si Joshua.
(Pagbigkas ito na nasa hulihan
ang hinto. Nagpapahayag ito na
ang nagsasalita ay nagsasabing
hindi siya si Joshua.)
Ang Hatol ng Kuneho
Isinalin sa Filipino ni Vilma
C. Ambat
Noong unang panahon, nang ang
mga hayop ay nakapagsasalita pa, may isang tigreng naghahanap ng pagkain sa
gubat. Sa kaniyang paglilibot, nahulog siya sa napakalalim na hukay.
Paulit-ulit na sinubukan ng tigre ang makaahon, subalit siya ay nabigo. Sumigaw
siya nang sumigaw upang humingi ng tulong subalit walang nakarinig sa kanya.
Kinabukasan, muling sumigaw ang
tigre upang humingi ng tulong hanggang mapaos. Gutom na gutom at hapong-hapo na
ang tigre. Lumupasay na lamang siya sa lupa. Naisip niyang ito na ang kaniyang
kamatayan. Walang ano-ano ay nakarinig siya ng mga yabag. Nabuhayan siya ng
loob at agad tumayo.“Tulong! Tulong!” muli niyang isinigaw.
“Ah! isang tigre!” sabi ng
lalaki habang nakadungaw sa hukay.
“Pakiusap! Tulungan mo akong
makalabas dito,” pagmamakaawa ng tigre. “Kung tutulungan mo ako, hindi kita
makalilimutan habambuhay.”
Naawa ang lalaki sa tigre
subalit naisip niyang baka kainin siya nito. “Gusto sana kitang tulungan
subalit nangangamba ako sa maaaring mangyari. Patawad! Ipagpapatuloy ko na ang
aking paglalakbay”, wika ng lalaki at nagpatuloy sa paglalakad.
“Sandali! Sandali! Huwag mong
isipin iyan,” pakiusap ng tigre. “Huwag kang mag-alala, pangako ko hindi kita
sasaktan. Nagmamakaawa ako, tulungan mo ako. Kapag ako ay nakalabas dito
tatanawin kong malaking utang na loob!”
Tila labis na nakakaawa ang
tinig ng tigre kaya bumalik ang lalaki upang tulungan ito. Nakahanap siya ng
troso at dahan-dahan niyang ibinaba sa hukay. “ Gumapang ka dito,” sabi ng
lalaki.
Gumapang ang tigre sa troso
hanggang makaahon sa hukay. Nakita ng tigre ang lalaking tumulong sa kanya.
Naglaway ang tigre at naglakad paikot sa lalaki.
“Sandali!” Hindi ba nangako ka
sa akin na hindi mo ako sasaktan? Ito ba ang paraan mo ng pagpapasalamat at
pagtanaw ng utang na loob?” sumbat ng lalaki sa tigre.
“Wala na akong pakialam sa
pangakong iyan dahil nagugutom ako! Hindi ako kumain nang ilang araw!” tugon ng
tigre.
“Sandali! Sandali!” ang
pakiusap ng lalaki. “Tanungin natin ang puno ng Pino kung tama bang kainin mo
ako.”
“Sige,” ang wika ng tigre.
“Pero pagkatapos natin siyang tanungin, kakainin na kita. Gutom na gutom na
ako.”
Ipinaliwanag ng tigre at ng
lalaki sa puno ng Pino ang nangyari.
“Anong alam ng tao sa pagtanaw
ng utang na loob?” tanong ng puno ng Pino. “ Bakit ang mga dahon at sanga namin
ang kinukuha ninyo upang mapainit ang inyong mga tahanan at maluto ang inyong mga
pagkain? Mga taon ang binibilang namin upang lumaki. Kapag kami’y malaki na
pinuputol ninyo. Ginagamit ninyo kami sa pagpapatayo ng inyong mga bahay at
pagpapagawa ng inyong mga kasangkapan. At isa pa, tao rin ang humukay ng butas
na iyan. Utang na loob! Huwag ka nang magdalawang isip, Tigre. Sige pawiin mo
ang iyong gutom.”
“O, anong masasabi mo doon?”
tanong ng tigre habang nananakam at nginungusuan ang lalaki.
Sa mga sandaling iyon ay dumaan
ang isang baka. “Hintay! Hintay!” pakiusap ng lalaki. “Tanungin natin ang baka
sa kaniyang hatol.”
Sumang-ayon ang tigre at
ipinaliwanag nila sa baka ang nangyari. Hiniling ng dalawa ang opinyon ng baka.
“Sa ganang akin, walang duda sa
kung ano ang dapat gawin,” wika ng baka sa tigre. “Dapat mo siyang kainin! Tingnan
mo, mula nang kami ay maisilang naglilingkod na kami sa mga tao. Kaming mga
baka ang nagbubuhat ng mabibigat nilang dalahin. Inaararo namin ang bukid upang
makapagtanim sila. Subalit, ano ang ginagawa nila kapag kami ay tumanda na...
pinapatay kami at ginagawang pagkain! Ginagamit nila ang aming balat sa paggawa
ng kung ano-anong bagay. Kaya huwag mo na akong tanungin tungkol sa pagtanaw ng
utang na loob. Kainin mo na ang taong iyan.”
“Tingnan mo, lahat sila ay
sumasang-ayon sa akin. Kaya humanda ka na sa iyong kamatayan!” wika ng tigre
habang bumubuwelo upang sakmalin ang lalaki.
Alam na ng lalaki na ito na nga
ang kaniyang katapusan. Nang biglang dumating ang lumulukso-luksong kuneho.
“Sandali! Tigre! Sandali!”
sigaw ng lalaki.
“Ano na naman!” singhal ng
tigre.
“Pakiusap, bigyan mo pa ako ng
huling pagkakataon.Tanungin natin ang kuneho para sa kaniyang hatol kung dapat
mo ba akong kainin.”
“Ah! Walang kuwenta! Alam mong
ang sagot niya. Pareho lang sa sagot ng puno ng Pino at ng baka.”
“Pakiusap, parang awa mo na!”
pagsusumamo ng lalaki.
“O sige, pero huli na ito.
Gutom na gutom na ako!” sagot ng tigre.
Isinalaysay ng tigre at ng
lalaki ang nangyari. Matamang nakinig ang kuneho. Ipinikit ang kaniyang mga
mata at pinagalaw ang kaniyang mahahabang tainga. Pagkalipas ng ilang sandali,
muli niyang idinilat ang kaniyang mga mata. Malumanay at walang ligoy na
nagsalita ang kuneho. “Naiintindihan ko ang inyong isinalaysay. Subalit kung
ako ang magpapasya at magbibigay ng mahusay na hatol dapat tayong magtungo sa
hukay. Muli ninyong isasalaysay sa akin ang nangyari. Ituro ninyo sa akin ang
daan patungo doon,” wika ng kuneho.
Itinuro ng tigre at ng lalaki
ang hukay sa kuneho. “Tingnan natin, sabi mo nahulog ka sa hukay at ikaw naman
ay nakatayo dito sa itaas”, wika ng kuneho sa tigre at sa lalaki. “ Pumunta
kayo sa mga posisyon ninyo noon, upang mapag-isipan ko pang mabuti ang aking
hatol.”
Tumalon agad ang tigre nang
hindi nag-iisip. Ang nais lamang niya ay matapos agad ang usapan nang makain na
niya ang tao. “Ah! ganito ang kalagayan ninyo noon. Ikaw, tigre ay nahulog sa
hukay at hindi makaahon. Ikaw naman lalaki, narinig mo ang paghingi ng saklolo
kaya tinulungan mo ang tigre. Ngayon maaari na akong magbigay ng aking hatol.
Ang problemang ito ay nagsimula nang tulungan ng tao ang tigreng makalabas sa
hukay”, paliwanag ng kuneho na tila may ibang kausap. “Sa ibang salita, kung
ang tao ay hindi nagpakita ng kabutihan at iniwan ang tigre sa hukay, walang
naging problema. Kaya naisip ko na magpatuloy ang tao sa kaniyang paglalakbay
at dapat na manatili ang tigre sa hukay. Magandang umaga sa inyong dalawa!”
wika ng matalinong kuneho at nagpatuloy sa kaniyang paglukso.
Naririto ang ilang karagdagang
impormasyon na makatutulong sa iyo upang unawain kung ano ang katangian ng
pabula.
Kaligirang Pangkasaysayan ng
Pabula sa Korea
Ang mga hayop ay hindi lamang
mga nilikhang gumagala sa kapatagan at kabundukan. Ang mga ito ay may simbolong
ugnayan sa bansa at sa mga mamamayan nito. Sa Korea, mahalaga ang ginampanan ng
mga hayop sa kanilang mitolohiya at kuwentong bayan . Ayon sa kanilang
paniniwala, noong unang panahon daw ay may isang tigre at oso na nagnais maging
tao. Nang bumaba sa lupa ang kanilang diyos na si Hwanin ( diyos ng
kalangitan) ay humiling ang isang tigre at isang oso na maging tao. Ang sabi ni
Hwanin ay magkulong sa kuweba ang dalawa sa loob ng 100 araw. Dahil sa
marubdob na pagnanasang maging tao ay sumunod sa ipinag-uutos ang dalawa.
Pagkalipas lamang ng ilang araw ay agad ding lumabas ang tigre subalit nanatili
sa loob ng kuweba ang oso. Pagkalipas ng 100 araw ay may isang napakagandang
babae ang lumabas ng kuweba. Ang babae ay natuwa sa kaniyang itsura at kinausap
muli si Hwanin . Nagpasalamat siya sa diyos at muling humiling na sana
ay magkaroon siya ng anak. Pinababa sa lupa ng diyos ang kaniyang anak na si Hwanung
( anak ng diyos ng kalangitan) at ipinakasal sa babae. Sila’y nagkaanak at
pinangalanang Dangun. Si Dangun ay naging hari. Pinaniniwalaang dito
nagsimula ang pagkakaroon ng simbolong hayop ang iba’t ibang dynasty sa Korea.
Ano ang pabula?
Ang pabula ay isa sa mga
sinaunang panitikan sa daigdig. Noong ika-5 at ika-6 na siglo bago si Kristo,
may itinuring nang pabula ang mga taga- India. Ang karaniwang paksa ng
mga pabula ay tungkol sa buhay ng itinuturing na dakilang tao ng mga sinaunang Hindu,
si Kasyapa.
Lalong napatanyag ang mga
ganitong kuwento sa Gresya. Si Aesop ang tinaguriang “Ama ng mga
Sinaunang Pabula” dahil sa napabantog niyang aklat, ang Aesop’s Fable.
Ang pabula ay isang maikling
kuwentong kathang-isip lamang. Karaniwang isinasalaysay sa mga kabataan para
aliwin gayundin ang magbigay ng pangaral. Ang mga tauhan ng kuwento ay pawang
mga hayop. Mga hayop na kumakatawan o sumasagisag sa mga katangian o pag-uugali
ng tao. Ang ahas halimbawa ay karaniwan nang nangangahulugan ng isang taong
taksil. Ang pagong, makupad. Ang kalabaw, matiyaga. Ang palaka, mayabang. Ang
unggoy o matsing, isang tuso. Ang aso, matapat. Marami pang hayop ang may ibang
pagpapakahulugan. Sa mga bagay naman, ang rosas ay kumakatawan sa babae at sa
pag-ibig. Ang bubuyog sa isang mapaglarong manliligaw. Itinuturo ng pabula ang
tama, patas, makatarungan at makataong ugali at pakikitungo sa ating kapwa. Ang
mga pabula ay lumaganap dahil sa magagandang aral sa buhay na ibinibigay nito.
Sa malayong kaharian ng mga
tutubi ay may naninirahang isang prinsesang tutubi. Siya’y bugtong na anak nina
Haring Tubino at Reyna Tubina ng kahariang Matutubina. Mahal na mahal ng hari
at reyna ang anak nila. Sinasabing ipaglalaban ng buong kaharian ang anumang
kaapihan ni Prinsesa Tutubi.
Si Prinsesa Tutubi ay mahilig
mamasyal at magpalipad-lipad sa papawirin. Lagi niyang kasa-kasama ang kaniyang
mga piling dama at mga tagasubaybay na mangyari pa ay pawang mga tutubi rin.
Isang araw, naisipan niyang
lumipad patungo sa labas ng kaharian. Ibig niyang alamin kung ano ang daigdig
sa labas ng kanilang kaharian. Tumakas siya sa kaniyang mga dama at
tagasubaybay. Mag-isa niyang nilakbay ang malawak na papawirin.
Maligayang-maligaya
si Prinsesa Tutubi. Umaawit-awit pa siya sa kaniyang paglipad. Wiling-wili siya
sa lahat ng kaniyang nakikita.Totoong nalibang si Prinsesa Tutubi at hindi niya
napansin ang pamumuo ng maiitim na ulap sa papawirin.
Huli na nang
ito ay mapuna ni Prinsesa Tutubi. Mabilis man siyang lumipad pabalik sa
kaharian ay inabutan din siya ng malakas na ulan.
“Titigil muna
ako sa punongkahoy na ito”, ang sabi sa sarili ng prinsesa.
Ngunit sa
punongkahoy pala namang iyon ay maraming mga matsing. Pinaalis nilang pilit ang
nakikisilong na tutubi. Bawat dapuang sanga ni Prinsesa Tutubi ay niyuyugyog ng
mga matsing. Hindi lamang iyon. Pinagtawanan pa nila ang prinsesa.
“Kra-kra-kra!
Nakakatawa. Malaki pa sa kaniyang tuhod ang kaniyang mga mata,” ang malakas na
sabi ng isa. Sinundan ito ng malakas na hagikgikan ng mga matsing.
Sa laki ng
galit ni Prisesa Tutubi umuulan pa ay umalis na siya sa punongkahoy na iyon at
lumipad pauwi sa palasyo.Tuloy-tuloy siya sa silid ng kaniyang amang hari.
Kaniyang isinumbong kay Haring Tubino ang mga matsing. Laking galit ng hari.
Nagpatawag agad ang hari ng isang kawal.
“Pumunta ka
ngayon din sa kaharian ng mga matsing,” ang utos niya sa kawal. “Sabihin mong
dahil sa ginawa nila sa aking anak na Prinsesa, gusto kong hamunin ang kaharian
ng mga matsing sa isang labanan.”
Mabilis na
lumipad ang inatasang kawal. Pagdapo niya sa kaharian ng mga matsing ay walang
paligoy-ligoy niyang sinabi ang kaniyang pakay. Malakas na tawanan ng mga
matsing ang naging sagot sa pahayag ng kawal na tutubi.
“Mga tutubi
laban sa mga matsing! Ha-ha-ha-ha!” Muling nagtawanan ang mga matsing. “
Nakakatawa, ngunit pagbibigyan namin ang inyong hari,” ang sabi ng pinuno. “
Ang mga matsing laban sa mga tutubi!”. Nagtawang muli ang mga matsing.
“Kailan at
saan gaganapin ang labanan?” ang tanong ng pinuno.
“Bukas ng
umaga sa gitna ng parang!” ang tugon ng kawal.
“Magaling!
Bukas ng umaga sa gitna ng parang, kung gayon,” ang masiglang pag-ulit ng
matsing sa sinabi ng tutubi.
Bumalik sa
kanilang kaharian ang kawal na tutubi at ibinalita sa Haring Tubino ang naging
katugunan ng mga matsing.
Kinabukasan
naroroon na sa isang panig ng parang ang hukbo ng mga matsing. Anong daming
matsing. Waring ang buong kamatsingan ay naroroon at pawang sandatahan. Bawat
isa ay may dalang putol ng kahoy na pamukpok.
Nasa kabilang
panig naman ng parang ang makapal na hukbo ng mga manlilipad na tutubi.
“Kailangang
pukpukin ninyo ang bawat makitang tutubi,” ang malakas na utos ng haring
matsing.
Sa kabilang
dako naman ay ibinigay na rin ng pinuno ng mga tutubi ang kaniyang utos. “Dapat
nating ipaghiganti ang kaapihan ni Prinsesa Tubina. Kailangang magbayad ang mga
matsing. “Dumapo sa ulo ng mga matsing. Kapag may panganib ay dagling lumipad,”
ang malinaw at marahan niyang utos.
Nagsalubong sa
gitna ng parang ang mga manlilipad na tutubi at ang hukbo ng sandatahang
matsing. Buong-buo ang pagtitiwala ng mga sandatahang matsing sa kanilang
sandatang pamukpok. Matatapang din namang sumunod ang mga kawal na tutubi
palibhasa ay nais nilang ipaghiganti ang kaapihan ng prinsesa at ng buong
kahariang Matutubina.
Nagsimula ang
labanan. Dapo at lipad, dapo at lipad ang mga tutubi. Pukpok dito, pukpok doon
naman ang mga matsing. Kung tatanawin buhat sa malayo ang labanan, ay wari bang
matsing laban sa matsing. Nakita ng pinuno ng mga matsing ang pangyayari.
Nagkamali siya ng utos. Hindi nalaman agad na sa ulo pala ng kaniyang mga kawal
darapo ang maliliksing tutubi. Babaguhin sana niya ang kaniyang utos, subalit
huli na ang lahat. Isang kawal na matsing ang pilit na pinukpok pa ang tutubi
sa ulo ng pinunong matsing. Kayat nang matapos ang labanan ay nakabulagtang
lahat ang mga matsing. Samantala, walang sinumang tinamaan sa mga mabilis
umiwas at lumipad na mga tutubi. Naipaghiganti nila ang pagkaapi ng kanilang
prinsesa at ng buong kahariang Matutubina.
Alam mo ba na…
ang modal ay tinatawag na
malapandiwa? Ginagamit ang mga ito na pantulong sa pandiwang na nasa panaganong
pawatas. Ang mga ito ay ginagamit bilang panuring na may kahulugang tulad ng
pandiwa. Ang mga modal ay mga pandiwang hindi nagbabago, limitado kapag
binanghay o walang aspekto.
Mga Halimbawa: ibig, nais,
gusto, kailangan
Gamit ng modal:
1. Bilang malapandiwa
Gusto niyang makaahon sa hukay.
Ibig ng puno at ng baka na
kainin ng tigre ang tao.
(Ang gusto at ibig ay
ginamit bilang malapandiwa subalit di tulad
ng ganap na pandiwa wala itong
aspekto.)
2.Bilang panuring na may
kahulugang tulad ng pandiwa
Gusto niyang maglakbay muli.
(Ang salitang gusto ay
nagbibigay turing sa salitang maglakbay
na isang pandiwang nasa anyong
pawatas. )
Ibig ng kuneho na makita ang
hukay kung saan nahulog ang tigre.
(Ang salitang ibig ay
modal na nagbibigay turing sa salitang
makita na isang pawatas.)
Narito ang mga uri:
1. Nagsasaad ng pagnanasa,
paghahangad at pagkagusto Mga Halimbawa: Gusto kong mamitas ng bayabas.
Ibig kong matupad mo ang iyong pangarap sa buhay.
2. Sapilitang pagpapatupad Halimbawa:
Dapat sundin ang sampung utos ng Panginoon.
3. Hinihinging mangyari Halimbawa:
Kailangan mong magpursigi sa iyong pag-aaral.
4. Nagsasaad ng posibilidad Halimbawa:
Maaari ka bang makausap mamaya? Puwede kang umasenso sa buhay.
Basahin at unawaing mabuti ang
ilang bahagi ng awit na
“Dalagang Pilipina” na isinulat
ni Jose Corazon De Jesus at sa
musika ni Jose G. Santos.
Ang dalagang Pilipina, parang
tala sa umaga
Kung tanawin ay nakaliligaya
May ningning na tangi at
dakilang ganda
Maging sa ugali, maging sa
kumilos
mayumi, mahinhin, mabini ang
lahat ng ayos
Malinis ang puso maging sa
pag-irog
may tibay at tining ng loob
Bulaklak na tanging marilag,
ang bango ay humahalimuyak
Sa mundo'y dakilang panghiyas,
pang-aliw sa pusong may hirap.
Batis ng ligaya at galak,
hantungan ng madlang pangarap.
Iyan ang dalagang Pilipina,
karapat-dapat sa isang tunay na
pagsinta.
Ang Kababaihan ng Taiwan,
Ngayon at Noong Nakaraang 50 Taon
isinalin sa Filipino ni Sheila
C. Molina
Ang bilang ng populasyon ng
kababaihan sa mundo ay 51% o 2% na mataas kaysa kalalakihan. Maaaring isipin ng
ilan na ang kababaihan ay nakakukuha ng parehong pagkakataon at karapatan gaya
ng kalalakihan. Ilang kababaihan lamang sa buong mundo ang nakakakuha ng pantay
na karapatan at paggalang tulad sa kalalakihan. Ang tungkulin at kalagayan ng
kababaihan ay unti-unting nagbabago sa nakalipas na 50 taon. Ito ay makikita sa
dalawang kalagayan : una ang pagpapalit ng gampanin ng kababaihan at ang
ikalawa ay ang pag-unlad ng kanilang karapatan at kalagayan. Nakikita ito sa
Taiwan.
Ang unang kalagayan noong
nakalipas na 50 taon, ang babae sa Taiwan ay katulad sa kasambahay o housekeeper.
Ang tanging tungkulin nila ay tapusin ang hindi mahahalagang gawaing-bahay na
hindi natapos ng kanilang asawa. Ang mga babae ay walang karapatang magdesisyon
dahil sa kanilang mababang kalagayan sa tahanan.
Ngayon, nabago na ang tungkulin
ng mga babae at ito ay lalong naging komplikado. Sa bahay ng mga Taiwanese,
sila pa rin ang may pananagutan sa mga gawaing-bahay. Ngunit sa larangan ng
trabaho, inaasahang magagawa nila kung ano ang nagagawa ng kalalakihan. Sa
madaling salita, dalawang mabibigat na tungkulin ang nakaatang sa kanilang
balikat.
Ang ikalawang kalagayan ay
pinatutunayan ng pagtaas ng kanilang sahod, pagkakataong makapag-aral, at mga
batas na nangangalaga sa kanila. Karamihan sa mga kompanya ay nagbibigay ng
halaga sa kakayahan ng babae at ang mga kinauukulan ay handang kumuha ng mga
babaeng may kakayahan at masuwelduhan ng mataas. Tumataas ang pagkakataon na
umangat ang babae sa isang kumpanya at nakikita na ring may mga babaing
namamahala. Isa pa, tumaas ang pagkakataon para sa mga babae pagdating sa
edukasyon. Ayon sa isang estadistika mula sa gobyerno, higit na mataas ang
bilang ng mga babaing nag-aaral sa kolehiyo kung ihahambing sa kalalakihan
makalipas ang 50 taon.
At ang huling kalagayan ay ang
pagbabago ng mga batas para sa pangangalaga sa kababaihan ay nakikita na rin.
Halimbawa, sa Accton Inc., isa sa nangungunang networking hardware
manufacturer sa Taiwan, ginawa nang isang taon ang maternity leave sa
halip na 3 buwan lamang. Ang gobyerno ng Taiwan ay gumagawa na ng batas sa
pagkakaroon ng pantay na karapatan upang higit nilang mapangalagaan ang
kababaihan.
Bilang pagwawakas, naiiba na
ang gampanin ng mga babae at higit itong mapanghamon kung ihahambing noon. Ang
kanilang karapatan at kahalagahan ay binibigyan na ng pansin. Ngunit hindi ito
nangangahulugan na ang mga babae ay tumatanggap na ng pantay na posisyon at
pangangalaga sa lipunan. Mayroon pa ring mga kompanya na hindi makatarungan ang
pagtrato sa mga babaing lider nito. Marami pa ring kalalakihan ang nagbibigay
ng mabigat na tungkulin sa kanilang asawa sa tahanan. Ito ay matuwid pa rin sa
kanila. Marami pa ring dapat magbago sa kalagayan ng kababaihan sa Taiwan at
malaki ang aking pag-asa na makita ang ganap at pantay na karapatan nila sa
lipunan.
Alam mo ba na …
Ang sanaysay ay isang
matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa isang paksa? Ito ay isang genre o
sangay ng panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan na maaaring tumalakay sa
anumang isyu sa kapaligiran maging tao, hayop, pook, pangyayari, bagay, at
guniguni.
Ayon kay Alejandro Abadilla,
ang sanaysay ay pagsasalaysay ng isang sanay. Kaya’t ang sinumang susulat nito
ay nangangailangan na may malawak na karanasan, mapagmasid sa kapaligiran,
palabasa, o nagsasagawa ng pananaliksik tungkol sa paksang napiling isulat.
Nararapat na magpokus sa isang paksa lamang at maghanda ng balangkas upang
magkaroon ng kaisahan ang daloy ng mga ideya.
Tinatawag na mananaysay ang
manunulat ng sanaysay. Kinakailangan ng masining na pag-aaral at kasanayan ng
sinumang susulat nito. Katunayan, kabilang sa matatawag na sanaysay ang mga
akdang pandalub-aral gaya ng tesis, disertasyon, pamanahong papel at panunuri,
at ang mga sulating pampamahayagan gaya ng tanging lathalain.
- mula sa Panitikang Filipino: Antolohiya
Pangatnig ang tawag sa mga
kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay na
pinagsusunod-sunod sa pangungusap. Halimbawa: Layunin nilang mabigyan ng
edukasyon at kamulatan sa mga karapatang dapat ipakipaglaban ng mga kababaihan.
Ang pangatnig na at ay
nag-uugnay ng mga salitang edukasyon at kamulatan.
Sila’y karamay sa suliranin at
kaagapay sa mga pangyayaring nagdudulot ng pait sa bawat miyembro ng pamilya.
Ang pangatnig na at ay nag-uugnay ng dalawang sugnay. Ang unang sugnay ay
sila’y karamay sa suliranin. Ang ikalawang sugnay ay kaagapay sa mga
pangyayaring nagdudulot ng pait sa bawat miyembro ng pamilya.
May dalawang panlahat na
pangkat ng mga pangatnig : (1) yaong nag-uugnay ng magkatimbang na yunit (2)
yaong nag-uugnay ng di- magkatimbang na yunit.
Sa unang pangkat, kabilang ang
mga pangatnig na at, pati, saka, o, ni, maging, ngunit, subalit atbp. Ang mga
pangatnig na ito ay nag-uugnay ng mga salita, parirala at sugnay na
magkatimbang o mga sugnay na kapwa makapag-iisa.
Sa ikalawang pangkat naman ay
kabilang ang mga pangatnig na kung, nang, bago, upang, kapag o pag, dahil sa,
sapagkat, palibhasa, kaya, kung gayon, sana, atbp. Ang mga pangatnig na ito ay
nag-uugnay ng dalawang sugnay na hindi timbang, na ang ibig sabihin ay
pantulong lamang ng isang sugnay.
- mula sa Makabagong Balarilang
Filipino
ni Alfonso O. Santiago at Norma
G. Tiangco, 2003
Alam mo ba na…
ang modal ay tinatawag na
malapandiwa? Ginagamit ang mga ito na pantulong sa pandiwang na nasa panaganong
pawatas. Ang mga ito ay ginagamit bilang panuring na may kahulugang tulad ng
pandiwa. Ang mga modal ay mga pandiwang hindi nagbabago, limitado kapag
binanghay o walang aspekto.
Mga Halimbawa: ibig, nais,
gusto, kailangan
Gamit ng modal:
1. Bilang malapandiwa
Gusto niyang makaahon sa hukay.
Ibig ng puno at ng baka na
kainin ng tigre ang tao.
(Ang gusto at ibig ay
ginamit bilang malapandiwa subalit di tulad
ng ganap na pandiwa wala itong
aspekto.)
2.Bilang panuring na may
kahulugang tulad ng pandiwa
Gusto niyang maglakbay muli.
(Ang salitang gusto ay
nagbibigay turing sa salitang maglakbay
na isang pandiwang nasa anyong
pawatas. )
Ibig ng kuneho na makita ang
hukay kung saan nahulog ang tigre.
(Ang salitang ibig ay
modal na nagbibigay turing sa salitang
makita na isang pawatas.)
Narito ang mga uri:
1. Nagsasaad ng pagnanasa,
paghahangad at pagkagusto Mga Halimbawa: Gusto kong mamitas ng bayabas.
Ibig kong matupad mo ang iyong pangarap sa buhay.
2. Sapilitang pagpapatupad Halimbawa:
Dapat sundin ang sampung utos ng Panginoon.
3. Hinihinging mangyari Halimbawa:
Kailangan mong magpursigi sa iyong pag-aaral.
4. Nagsasaad ng posibilidad Halimbawa:
Maaari ka bang makausap mamaya? Puwede kang umasenso sa buhay.
Basahin at unawaing mabuti ang
ilang bahagi ng awit na
“Dalagang Pilipina” na isinulat
ni Jose Corazon De Jesus at sa
musika ni Jose G. Santos.
Ang dalagang Pilipina, parang
tala sa umaga
Kung tanawin ay nakaliligaya
May ningning na tangi at
dakilang ganda
Maging sa ugali, maging sa
kumilos
mayumi, mahinhin, mabini ang
lahat ng ayos
Malinis ang puso maging sa
pag-irog
may tibay at tining ng loob
Bulaklak na tanging marilag,
ang bango ay humahalimuyak
Sa mundo'y dakilang panghiyas,
pang-aliw sa pusong may hirap.
Batis ng ligaya at galak,
hantungan ng madlang pangarap.
Iyan ang dalagang Pilipina,
karapat-dapat sa isang tunay na
pagsinta.
Ang Kababaihan ng Taiwan,
Ngayon at Noong Nakaraang 50 Taon
isinalin sa Filipino ni Sheila
C. Molina
Ang bilang ng populasyon ng
kababaihan sa mundo ay 51% o 2% na mataas kaysa kalalakihan. Maaaring isipin ng
ilan na ang kababaihan ay nakakukuha ng parehong pagkakataon at karapatan gaya
ng kalalakihan. Ilang kababaihan lamang sa buong mundo ang nakakakuha ng pantay
na karapatan at paggalang tulad sa kalalakihan. Ang tungkulin at kalagayan ng
kababaihan ay unti-unting nagbabago sa nakalipas na 50 taon. Ito ay makikita sa
dalawang kalagayan : una ang pagpapalit ng gampanin ng kababaihan at ang
ikalawa ay ang pag-unlad ng kanilang karapatan at kalagayan. Nakikita ito sa
Taiwan.
Ang unang kalagayan noong
nakalipas na 50 taon, ang babae sa Taiwan ay katulad sa kasambahay o housekeeper.
Ang tanging tungkulin nila ay tapusin ang hindi mahahalagang gawaing-bahay na
hindi natapos ng kanilang asawa. Ang mga babae ay walang karapatang magdesisyon
dahil sa kanilang mababang kalagayan sa tahanan.
Ngayon, nabago na ang tungkulin
ng mga babae at ito ay lalong naging komplikado. Sa bahay ng mga Taiwanese,
sila pa rin ang may pananagutan sa mga gawaing-bahay. Ngunit sa larangan ng
trabaho, inaasahang magagawa nila kung ano ang nagagawa ng kalalakihan. Sa
madaling salita, dalawang mabibigat na tungkulin ang nakaatang sa kanilang
balikat.
Ang ikalawang kalagayan ay
pinatutunayan ng pagtaas ng kanilang sahod, pagkakataong makapag-aral, at mga
batas na nangangalaga sa kanila. Karamihan sa mga kompanya ay nagbibigay ng
halaga sa kakayahan ng babae at ang mga kinauukulan ay handang kumuha ng mga
babaeng may kakayahan at masuwelduhan ng mataas. Tumataas ang pagkakataon na
umangat ang babae sa isang kumpanya at nakikita na ring may mga babaing
namamahala. Isa pa, tumaas ang pagkakataon para sa mga babae pagdating sa
edukasyon. Ayon sa isang estadistika mula sa gobyerno, higit na mataas ang
bilang ng mga babaing nag-aaral sa kolehiyo kung ihahambing sa kalalakihan
makalipas ang 50 taon.
At ang huling kalagayan ay ang
pagbabago ng mga batas para sa pangangalaga sa kababaihan ay nakikita na rin.
Halimbawa, sa Accton Inc., isa sa nangungunang networking hardware
manufacturer sa Taiwan, ginawa nang isang taon ang maternity leave sa
halip na 3 buwan lamang. Ang gobyerno ng Taiwan ay gumagawa na ng batas sa
pagkakaroon ng pantay na karapatan upang higit nilang mapangalagaan ang
kababaihan.
Bilang pagwawakas, naiiba na
ang gampanin ng mga babae at higit itong mapanghamon kung ihahambing noon. Ang
kanilang karapatan at kahalagahan ay binibigyan na ng pansin. Ngunit hindi ito
nangangahulugan na ang mga babae ay tumatanggap na ng pantay na posisyon at
pangangalaga sa lipunan. Mayroon pa ring mga kompanya na hindi makatarungan ang
pagtrato sa mga babaing lider nito. Marami pa ring kalalakihan ang nagbibigay
ng mabigat na tungkulin sa kanilang asawa sa tahanan. Ito ay matuwid pa rin sa
kanila. Marami pa ring dapat magbago sa kalagayan ng kababaihan sa Taiwan at
malaki ang aking pag-asa na makita ang ganap at pantay na karapatan nila sa
lipunan
Alam mo ba na …
Ang sanaysay ay isang
matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa isang paksa? Ito ay isang genre o
sangay ng panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan na maaaring tumalakay sa
anumang isyu sa kapaligiran maging tao, hayop, pook, pangyayari, bagay, at
guniguni.
Ayon kay Alejandro Abadilla,
ang sanaysay ay pagsasalaysay ng isang sanay. Kaya’t ang sinumang susulat nito
ay nangangailangan na may malawak na karanasan, mapagmasid sa kapaligiran,
palabasa, o nagsasagawa ng pananaliksik tungkol sa paksang napiling isulat.
Nararapat na magpokus sa isang paksa lamang at maghanda ng balangkas upang
magkaroon ng kaisahan ang daloy ng mga ideya.
Tinatawag na mananaysay ang
manunulat ng sanaysay. Kinakailangan ng masining na pag-aaral at kasanayan ng
sinumang susulat nito. Katunayan, kabilang sa matatawag na sanaysay ang mga
akdang pandalub-aral gaya ng tesis, disertasyon, pamanahong papel at panunuri,
at ang mga sulating pampamahayagan gaya ng tanging lathalain.
- mula sa Panitikang Filipino: Antolohiya
Pangatnig ang tawag sa mga
kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay na
pinagsusunod-sunod sa pangungusap. Halimbawa: Layunin nilang mabigyan ng
edukasyon at kamulatan sa mga karapatang dapat ipakipaglaban ng mga kababaihan.
Ang pangatnig na at ay
nag-uugnay ng mga salitang edukasyon at kamulatan.
Sila’y karamay sa suliranin at
kaagapay sa mga pangyayaring nagdudulot ng pait sa bawat miyembro ng pamilya.
Ang pangatnig na at ay nag-uugnay ng dalawang sugnay. Ang unang sugnay ay
sila’y karamay sa suliranin. Ang ikalawang sugnay ay kaagapay sa mga
pangyayaring nagdudulot ng pait sa bawat miyembro ng pamilya.
May dalawang panlahat na
pangkat ng mga pangatnig : (1) yaong nag-uugnay ng magkatimbang na yunit (2)
yaong nag-uugnay ng di- magkatimbang na yunit.
Sa unang pangkat, kabilang ang
mga pangatnig na at, pati, saka, o, ni, maging, ngunit, subalit atbp. Ang mga
pangatnig na ito ay nag-uugnay ng mga salita, parirala at sugnay na
magkatimbang o mga sugnay na kapwa makapag-iisa.
Sa ikalawang pangkat naman ay
kabilang ang mga pangatnig na kung, nang, bago, upang, kapag o pag, dahil sa,
sapagkat, palibhasa, kaya, kung gayon, sana, atbp. Ang mga pangatnig na ito ay
nag-uugnay ng dalawang sugnay na hindi timbang, na ang ibig sabihin ay
pantulong lamang ng isang sugnay.
- mula sa Makabagong Balarilang
Filipino
ni Alfonso O. Santiago at Norma
G. Tiangco, 2003
Niyebeng-itim
ni Liu Heng
Isinalin sa Filipino ni Galileo
S. Zafra
Paparating na ang bisperas ng
Bagong Taon. Nagpakuha ng litrato si Li Huiquan sa Red Palace Photo Studio,
isang bagay na ayaw na ayaw niyang gawin, dahil pakiramdam niya, lalo pa siyang
pinapapangit ng kamera. Sinabihan na siya ni Tiya Luo na sapat na ang apat na
piraso, ngunit nag-order siya ng labinlima. Nagulat ang klerk.
“Kinse?”
“Kinse nga.”
“Hindi kami siguradong maganda
pa rin ang litrato kapag ganoon karami.”“Gusto ko sabi ng kinse!”
May pagkainis
na sa kanyang boses at iyon lamang ang magagawa niya para mapigilan ang sarili
na suntukin ang pangang iyon. Nag-order siya ng kinse para hindi na siya
bumalik pa sa susunod at ikinabuwisit niya ang ituring na kahangalan ang
ganito.
Nang bumalik
siya para kunin ang litrato, mas kabado siya kaysa nang kunin niya ang mga abo
ng kanyang ina sa crematorium. Tumalikod siya at lumakad papalayo dala
ang balutang papel nang hindi pa muna sinusuri ang litrato, at nang nag-iisa na
lamang, dinukot niya ang laman . Labinlimang magkakatulad na litrato ang hawak
niya, bawat isa ay nakatitig sa kanya nang may pare-parehong hitsura. Sa
kabuuan, mas maayos ang kinalabasan kaysa kanyang inaasahan. Parang mas manipis
ang kaniyang labi dahil nakatikom, nakatitig ang mga mata niya. Hindi mo
masasabing pangit. Sa katunayan, mas guwapo siya kaysa sa maraming tao. Wala
siyang reklamo.
Dinala siya ni
Tiya Luo sa komite sa kalye kung saan pinagpasa-pasahan sila. Nakipag-usap sila
sa iba’t ibang tao hanggang sa isang may katandaang opisyal ang nagbigay rin sa
kanya ng lisensya para sa kariton. Hindi naaprobahan ang kanyang aplikasyon
para sa lisensya sa pagtitinda ng prutas dahil puno na ang kota. Ang mga kontak
ni Tiya Luo ay hindi makatulong o ayaw nang tumulong. Mayroon na lamang
lisensya para sa tindahan ng damit, sombrero at sapatos. Wala nang pakialam si
Huiquan kung anuman ang maaaring itinda. Ang mahalaga, mayroon siyang magawa.
Nabalitaan niyang mas madali ang pagtitinda ng prutas, mas mabilis ang kita;
mas mabagal naman sa damit, at mas mababa pa ang tubo. Nabalitaan din niyang
kailangan niya ng maayos na tindahan o koneksiyong black-market para
talaga mapatakbo ito. Ngunit handa siyang sumubok. Kailangang palakasin niya
ang kanyang utak, at di matatakot magtrabaho, maaayos ang lahat. Kahit maliit
ang kikitain niya, hindi naman liliit pa iyon sa natatanggap niya bilang ulila,
hindi ba? Bahala na.
Paglabas nila
mula sa compound ng gobyerno, nakabangga nila ang isang matabang mama na
tinawag ni Tiya Luo na Hepeng Li. Sabi ni Tiya Luo kay Huiquan na tawagin itong
Tiyo Li. Walang ideya si Huiquan kung hepe ito ng ano at kaninong tiyo ito,
ngunit naaalala niya rito ang matatabang sumo wrestler ng Hapon.
“Hindi ka ba
magpapasalamat kay Tiyo Li sa lahat ng tulong niya?”
Magalang na
yumuko si Huiquan, isang ugaling natutunan niya sa kampo.Kailangang yumuko ang
mga bilanggo sa lahat ng guwardya, inspektor, at tagamasid na nakikipag-usap sa
kanila o nakatingin man lang sa kanila- iyon ang pagsasanay. Ginagawa na niya
iyon dahil nakasanayan na. Ngunit halos di siya napansin ng mama -- tila ito
isang lalaking tumitingin ng kung anong paninda. Pakiramdam ni Huiquan ay isa
siyang basurahan o isang pirasong basahan na nais magtago sa isang butas.
“Ito ba siya?”
tanong ng matabang mama kay Tiya Luo.
“Mabait siyang
bata, tulad ng sabi ko. Tingnan mo’t namumula na siya.” Napatawa ang mama
habang itinuon ang tingin kay Huiquan.
“Alam mo ba
kung paano ka nakakuha ng lisensya gayong maraming retirado at walang trabaho
ang di-makakuha?”
“Dahil … dahil
kailangan ko ng trabaho?”
“Iyon lang
ba?” mapanlibak ang ngisi ng mataba.
“Dahil isa
akong ulila?”
“Kinakalinga
ka ng pamahalaan; tiyak kong alam mo iyan. Huwag kang manggugulo at huwag kang
sakim… nagkamali ka na. Kalimutan mo na iyon, dahil kapag umulit ka, wala nang
tutulong sa iyo.”
“Gagawin ko
anuman ang ipag-utos ng pamahalaan.”
Isa na naman
sa maraming islogan sa kampo. Nakabilanggo pa rin ang kaniyang isip at damdamin
kahit pinalaya na siya sa kampo. Kahit si Tiya Luo ay tumangu-tango. Saanman
siya magpunta, laging may nagsasabi sa kaniya kung ano ang dapat at di-dapat
gawin; sa pagtingin sa kanya nang mababa, umaangat ang kanilang sarili.
Namalagi siya sa bilangguan. Sila ay hindi at nararamdaman niya na ang mga
babala, panlalait, at paalala ay para lang sa kaniya; gamitin ang ihian, walang
dudura, bawal pumasok, limang yuan na multa - lahat ay patungkol sa kaniya at
tanging sa kanya lamang. Habampanahon na may magpapahirap sa kaniyang buhay,
magtuturo sa kaibahan niya at ng ibang tao, hihila sa kanya paibaba. Gusto
niyang lumaban, pero wala siyang lakas. Kaya magpapanggap siyang tanga, umiiwas
sa mga nagmamasid at nagmamatyag, Maraming taon na naman niyang ginagawa ito.
Masayang
naglakad si Tiya Luo, di-pansin ang tamlay sa mukha ni Huiquan habang nakasunod
ito na parang bilanggo.
“Halos Bagong
Taon na. Pwede kang manatili ngayong bagong taon sa amin.”“Salamat, pero maayos
na po ako…”
“Sa palagay
ko’y matutuwa na ang ina mo. Kung buhay siya, ipapangalandakan niya --
negosyante na ang anak ko; maganda ang kinabukasan niya; hindi na siya katulad
nang dati. Gusto kong pasalamatan mo ang nanay mo.”
“Sige po.”
“Bahala ka
kung gusto mong mag-isa ngayong Bagong Taon pero hindi ibig sabihin na pwede
kang uminom.”
“Huwag kayong
mag-alala.”
“Hindi na
maaga para mamili para sa Bagong Taon. Isda, manok – kung ano-ano pa. Kung
hindi ka marunong magluto, pumunta ka rito at tuturuan kita. Dapat lang na
maayos ang Bagong Taon mo. Pagkatapos, dapat magtrabaho na. Ayusin mo at
hahanapan kita ng nobya. Ano sa palagay mo, bata?”
“Kayo ang
masusunod.” Ngumiti siya ngunit matamlay. Ang isang yari sa kahoy at canvass
na ambi ay aabot ng sandaan o mahigit pa; kung may tatlong gulong, dagdag
na tatlong daan pa mahigit. Wala nang matitira para sa paninda. Hindi pa nga
nagsisimula’y kailangan na niyang humugot sa naipon ng kaniyang ina. Kinabahan
siya dahil wala na itong atrasan.
Isa o dalawang
araw bago ang Bagong Taon, nakakita siya ng kakarag-karag at lumang tatluhang
gulong na sasaksyan sa East Tsina Gate Consignment Store na 230 yuan ang
halaga. Ayos ang presyo pero napakasama ng kondisyon at di-masasakyan. Mukhang
maayos ang balangkas- kahit paano’y napanatili ang hugis; walang gulong, pero
mapakikinabangan pa rin ang gilid at rayos ng gulong; walang kuliling , walang
kadena, at walang tapakan, ngunit may preno at pedal. Hindi siya makapagpasya
at pinag-isipan niya sa lahat ng anggulo. Nalibot na niya ang buong bayan. Ang
mga bagong sasakyan ay nagsisimula sa apat na raan, wala namang ipinagbibiling
umaandar pang segunda mano. Sa isang groseri, nakakita siya ng isang sasakyang
yari sa kawayan na mukha namang matibay, ngunit parang may mali rito. Kung
magtitinda siya ng damit, kakailanganin niya ang tatluhang gulong – para naman
presentable.
“Gusto mo
nito? Para saan?”
Lumapit ang
klerk sa kaniya.
“Kariton para
sa mga damit.”“Tamang-tama. Hindi ka magsisisi. Kung poste ng telepono, o
kongkreto. O iba pang katulad, hindi ko ‘to irerekomenda. Pero para lamang pala
sa ilang tumpok ng damit. Di ka gagastos ng higit sa sandaan sa pag-aayos nito,
at pwedeng tumagal pa ng lima, anim na taon.”
“Bakit
di-gumagalaw?”
“Matigas ang
preno. Aayusin ko.”
Ibinigay ni
Huiquan ang pera, at kinaladkad ang walang gulong na sasakyan mula East
Tsina Gate patungong Dongsi, at mula roon, papuntang Chaoyong
Gate. Dahil sa kanyang natatanging sasakyan, naging sentro siya ng
atensyon, bagaman hindi naman nakapipinsala ang mga tingin sa kanya. Matapos
bumili ng ilang parte sa pagawaan ng bisikleta sa labasan ng Chaoyong Gate
Boulevard, tinulak niya ang kanyang sasakyan patungong East Lane ng
Kalyeng Spirit Run papasok sa gate ng bilang 18. Ang berdeng bayong na
nakasabit sa kalawanging hawakan ng sasakyan ay napuno ng tinimplang baka,
dalawang pinakuluang manok, may yelong isda, apat na paa ng manok at isang bote
ng alak – hapunan para sa Bagong Taon. Binili niya at madaling nakuha dahil
ayaw na ayaw niyang nakapila at wala naman siya talagang hinahanap para sa
kanyang hapunan. Mas iniintindi niya ang kaniyang sasakyan, ang kanyang bagong
kaibigan, ang kaniyang tahimik na kasama.
Inimbitahan
siya ni Tiya Luo para maghapunan, bisperas ng Bagong Taon. Dumaan ito habang
naglalagare siya ng kahoy, nakalambitin sa kaniyang bibig ang isang pirasong
manok. Tumanggi na muna siya. May naamoy ang Tiya at inangat nito ang takip ng
palayok. Pinalalambot ang paa ng manok sa kumukulong sabaw. Walang makikitang
berde – hindi balanseng pagkain. Sira na ang manggas ng kaniyang panlamig; puno
ng kusot ang kaniyang sapatos at laylayan ng pantalon; marumi at mahaba ang
kaniyang buhok. Naawa si Tiya Luo sa kaniya, ngunit tumanggi pa rin si Huiquan.
Ginagamit pa rin niya ang kahoy na iniwan ni Hobo, desididong gumawa ng
magandang patungan para sa kaniyang sasakyan.
Bumalik si
Tiya Luo para imbitahan siyang manood ng TV - nakatatawang palabas at iba pang
kawili-wiling programa. Hindi dapat palampasin. Ngunit umiling siya, hindi man
lang tuminag sa kaniyang paglalagare.
“Marami pa po
akong gagawin.”
“Hindi
makapaghihintay kahit pagkatapos ng Bagong Taon.” “Mas gugustuhin kong
patapusin ninyo ako...”
“Marami namang
panahon. Huwag mong tapusin agad lahat. Di ka dapat magpagod, Bagong Taon pa
naman.”
Sa umpisa,
panaka-naka ang mga paputok, ngunit dumalas ang ingay at pagsapit ng
hatinggabi, akala mo’y sasabog na ang mundo. Ibinaba ni Huiquan ang lagare at nagsalin
ng alak. Matagal na pinalambutan ang paa ng manok kaya halos matanggal na sa
buto ang mga laman nito. Tama naman ang pagkaluto, medyo matabang, marahil,
kaya nilagyan niya ng kaunting toyo ang plato at isinawsaw niya ang laman dito,
at kumain at uminom siya hanggang sa mamanhid ang kanyang panlasa. Maaaninag sa
kaniyang bintana sa kaniyang likod ang pula at berdeng ilaw paminsan-minsan.
Karangyaan kahit saan ka lumingon, mula sa mga taong kuntento sa kanilang
buhay. Ano ang balak ng milyong taong ito ? Ano ang ipinagsasaya nila?
Siguradong
hindi siya kabilang sa kanila. Kung buhay si Ina, panahon iyon ng pagbabalot ng
dumpling, iyong maliliit na pagkaing pumuputok sa bibig na parang kendi.
Gustung-gusto niya iyon. Sa unang Bagong Taon niya sa kampo, pitumpu’t anim ang
nakain niya sa isang upuan, hanggang sa mabusog siya nang sobra’t hindi na siya
halos makaupo, at ginugol niya ang buong hapon sa paglalakad sa laruan.
Gayunman, kahit ang alaalang ito ay hindi nakapagpasaya sa kaniya. Malagkit ang
mga kamay niya dahil sa pinalambutang paa ng manok at sapin ng malagkit na
baboy, at nahihilo na siya dahil sa alak.
Lumabas siya
at tumayo sandali sa bakuran. Walang lamig, walang hangin. Makulay ang langit;
maraming paputok sa lahat ng dako. Ang bakuran, na may mahigit sa pito o walong
talampakan ang luwang, ay tulad ng balon sa ilalim ng kumikinang na bughaw na
langit. Isang stereo ang bumubuga ng awit, iyong tunog na
di-maintindihan. Naiisip niyang mataba at pangit ang mang-aawit. Nakapanood na
siya ng ganito sa TV – magagandang boses at ngiti ngunit pangit ang hitsura
nila. Kumikisay sila sa iskrin, ang mga kilos ay nagpapatingkad lamang sa
kanilang kapangitan at ang mga awit nila ay ginagawang mga sigaw at halinghing.
Magagandang babae lamang dapat ang ipinakikita sa TV, subalit maaaring
nagkukulang na ng suplay. Bagaman lumalayo na si Huiquan sa mga babae, sumasagi
pa rin sa isip niya ang imahen ng magagandang dalaga. Wala sa mga ito ang
kilala niya dahil labo-labo na ang mga ito sa kanyang utak – malalabong imahen
na ang intensyon ay malinaw at tiyak. May mga panahon, natatanging panahon,
kung kailan pinapangarap niyang mapasasayaw niya sa kaniyang isip ang mga
imahen. Ngunit sa totoong mundo man o sa mundo ng ilusyon ay hindi niya
mapasunod ang mga ito. Walang magawa, napilitan siyang tanggapin ang kaniyang
kahinaan.
Ang isip ni
Huiquan ay nabaling sa malalaswang dingding -- dingding ng banyo na ang mga
sugat ay hindi mabura, ginulping dingding na halos iguho ng malalaswang
pag-atake. Kakaiba, malaswang isip at dumi ay kakatuwang napapagsama nang
maayos doon, pinupuwersa siyang harapin ang maruming katawan na pinipilit
niyang itago. Mag-isa sa bisperas ng Bagong Taon, idinagdag niya ang sarili niyang
mga pantasya sa mga naroon sa maruruming dingding. Hindi pala ang mga babae
kundi marahil sa sarili pala niya siya naririmarim.
Sa sarili
niyang paraan, inalagaan niya ang kaniyang sarili. Magulo, siyempre pa, ngunit
gusto niya ang gayon, lihim, ligtas, at di-komplikado. Mas maraming
mapagtataguan sa kampo kaysa kaya nilang bilangin – taniman, maisan, daluyan ng
irigasyon, di pa nabubungkal na bukid – na ang tanging nagmamasid sa kaniya ay
ang langit sa itaas at ang lupa sa ibaba. Nang naroon na siya, wala na siyang
pagtingin kay Xiaofen, kaya wala nang direksyon ang kaniyang pagkahumaling.
Bahala na. Alam niyang pinaglalaruan siya ng mga demonyo at wala siyang lakas
para labanan ito.
Pagod na siya.
Paubos na ang mga pagputok. Ang madalang nang pagputok ay nagpatingkad sa
kalaliman ng gabi. Puno na ang mg tao ng kasiyahan, pagkain, at laro, at oras
ba para matulog ang lungsod, bago magbukang-liwayway. Wala siyang kasama, at
pakiramdam niya’y nawawala siya. Labas sa kaniyang mga pantasya, wala siyang
makitang babae na karapat-dapat sa kaniyang pagmamahal.
Si Luo
Xiaofen, wala na sa kanyang isip, ay hinding-hindi ang babaeng iyon. Hindi pa
niya nakikita ito simula nang lumabas siya. Nagbabakasyon ito sa Harbin kasama
ng kaniyang nobyo, isang assistant sa kolehiyong normal, at isang
gradwadong mag-aaral sa matematika si Luo – isang tambalang itinadhana ng
langit. Ibinalita ni Tiya Luo, masaya at nagmamalaki, na magpapakasal na ang
dalawa sa Mayo. Si Luo Xiaofen – kababata ni Hiuquan, sabay silang nag-elementarya
hanggang gitnang paaralan, ngunit ngayon, wala na siyang pagkakatulad. Nasa
Harbin si Luo, samantalang siya, nasa kalyeng Spirit Run, sa isang
madilim na sulok, gumagawa ng hamak na bagay. Ngunit ito ang tadhana. Hinahamak
siyang lagi ng tadhana.
Sa unang araw
ng bagong taon, pinagkaabalahan niya ang kaniyang sasakyan, sa ikalawang araw,
inilabas iyon para paandarin. Tuwang-tuwang siya sa mga sisidlang ginawa niya.
Nagbisekleta siya para tingnan ang mga pakyawan, para pag-aralan ang mga
lokasyon nito. Sa ikalima pa ang takdang pagbubukas ng mga ito, tila
pinagkaisahan siya. Walang magagawa hanggang sa araw na ito.
Matapos
sumulat sa Instruktor Politikal Xue at ipadala ang liham, dumaan si Huiquan sa
isang tindahan ng libro at bumili ng mga kopya ng “Mga Multo sa Isang
Lumang Sementeryo at Mga Babaeng Ahas”. Pagbalik sa bahay, humilata siya’t
nagbasa habang kinaing-isa-isa ang saging. Nitong mga nagdaang araw, nakaubos
siya ng isang piling hanggang sa naging madulas ang kanyang bituka at
napapapunta sa inodoro buong araw. Maayos naman ang mga libro; hindi lang siya
makaalala ng istorya. Kaya’t binabasa niyang muli, at parang bago at
kawili-wili pa rin sa ikalawang pagbasa. Matapos niyang basahing muli ang mga
libro, itinabi niya ito at ang mga pader ay tila blangko at maputla. Saging pa.
Itinuturing na niyang mga gago ang mga awtor. Nakababato. Gayon pa rin bukas,
at may pakialam ba siya ? Ano ang pagkakaiba ng malaki at maliit na daga ?
Parehong pangit; parehong patagu-tago.
Ibinigay kay
Huiquan ang pwesto sa may daanan sa timog ng Silangang tulay. Dito ang mga
numero ay nakapinta nang puti sa mga ladrilyo na nasa isang mahabang hanay ng
tigdadalawang kwadrado-yardang pwesto; ang iba ay okupado, ang iba ay hindi.
Matapos niyang ayusin ang kaniyang tindahan, tinakpan niya iyon ng ambi at
inayos ang kaniyang sasakyan para magsilbing harap ng tindahan. Sa bandang
kaliwa niya ay ang daanang silangan-kanluran, sa bandang kanan, ang katapat
nitong hilaga-timog. Nasa tapat mismo ng paradahan para sa Eastbridge
Department Store. Nasa gilid siya ng alimpuyo ng mga tao, parang di
humihinto.
Wala isa man
lang na tumingin sa kaniyang paninda. Pagod pa sa nagdaang okasyon, ang mga
dumaraan ay palaiwas o bugnutin. Ang kaniyang designasyong ay Timog 025. Hindi
magandang puwesto. Siya ang ika-25 tindero ng damit sa isang mahabang yardang
lugar. Ang mga tindahan ng pagkain ay nasa hilagang bahagi ng kalye, na may di
kulang sa anim na nagtitinda ng inihaw na kamote at ilan pang matatandang naglalako
ng malamig na dalandan at halos bulok nang saging.
Napuno ng
kulay berde sa kaniyang tindahan – isang bunton ng walong kulay-olibang
kasuotang pang-army. Isinampay niya ang ilan, inilatag ang iba, at
isinuot ang isa. Niloko siya ng matandang lalaki sa pakyawan. Hindi maitinda
ang mga kasuotan, panlamig na angora, at sapatos na gawa sa canvass. Ang
naitinda lamang niya nang araw na iyon ay mga angora, madaling naubos ang
dalawampung piraso. Mangyari pa, iyon ang pain para sa iba pang paninda. Ang pakyawan
ay tres-diyes. Ibinenta niya ang una ng apat na yuan at ang huli, sais-beinte.
Walang kinailangang magturo sa kaniya. Natuto siya nang iabot sa kaniya ng
unang kostumer ang pera ; huwag kang matataranta sa pera at kalimutan mo na ang
pagiging magalang. Sumigla siya, sa kung anumang dahilan; kumislap ang mata
niya, at napanatag siya. Sa wakas, isang bagay itong may kontrol siya.
Gusto sana
niyang magtago ng isang gora para sa sarili. Para itong Ku Klux Klan na
talukbong – mga mata lamang ang makikita – at iyon ang kailangan ng nagtitinda.
Pakiramdam ni Huiquan ay makapangyarihan siya, tulad ng misteryosong matanda na
naglalako ng minatamisan na nakatayo sa harap ng Eastbridge Department
Store, sa dinaraanan mismo ng hangin, ilang oras na walang imik, walang
kibot. May mga kostumer siya – hindi marami, kaunti – ngunit hindi na matagalan
ni Huiquan na panoorin siya, alam niyang maaari siyang sigawan nito kapag
nagpatuloy pa siya.
“Sapatos na
tatak-Perfection mula sa Shenzhen free economic zone. Sapatos, tatak-Perfection,
gawa sa Shenzen…”
Nagulat ang
mga naglalakad sa sigaw niyang ito. Narinig na niya ang ganitong pagtawag sa Gate
ng Silangang Tsina at sa Bukanang Gate, ngunit hindi niya alam kung
kaya niya ang ganito. Mahirap, sa isip niya; hindi niya kaya. Ngayon, alam na
niyang mali siya sa pagtantya sa sarili.
“Mga blusang
Batwing! Halikayo rito ! Tingnan ninyo !”
Sa
pagkakataong ito, napakasama ng tunog, ngunit tila walang nagulat. Ilan pang
segundo, nasanay na ang mga mamimili sa kaniyang kakaibang sigaw.
Maipagkakamaling galing sa aso o sa kotse, at hindi pa rin papansinin ng mga
namimili.
“Mga blusang
Batwing! Seksi, seksi, seksi, mga babae!”
Kung
makasisigaw lang talaga siya ng kung anong malaswa para mapansin. Buong araw,
binantayan niya ang kaniyang tindahan, mula umaga hanggang oras ng hapunan,
ngunit wala siyang nabenta, isa man lang panlamig na angora o isang pares ng
sapatos kaya -- wala maliban sa dalawampung angora. Kahit iyon lang, ang may
katandaang babae sa kaniyang kanan ay naiingit, dahil gayong mas matagal na ito
rito, naibenta lamang nito ay pares ng medyas at dalawang panyo. Ang tindahan
sa kaliwa ay binabantayan ng isang lalaking dadalawampuin na muntik nang
mapaaway sa isang kostumer dahil sa isang jaket na balat. Ang sabi ng
kostumer, iyon ay imitasyon; ipinilit ng tindero na tunay iyong balat. Kinusot
iyon ng kostumer at iginiit na imitasyon iyon mula sa ibang bansa. Naubos na
ang pasensya ng tindero. Alam ni Huiquan na tunay iyong balat, ngunit hindi
siya nakihalo sa gulo. Walang dahilan para sumangkot. Nang ang lalaki ay nag-alok
sa kanya ng sigarilyo, tumanggi siya. At siya naman ang nagsindi, di niya
pinansin ang lalaki. Wala siyang balak na mapalapit kaninuman. Kailangang
mag-ingat kapag sangkot ang ibang tao.
Siya ang huli
sa hanay ng mga tindahan na nagsara ng araw na iyon. Alas nuwebe na, kalahating
oras matapos magsara ang department store. Madilim ang paradahan, halos
walang nagawa ang mga ilaw sa kalye; wala nang kostumer sa gabi. Nagsasara na
rin ang tindahan sa tapat, na binabantayan ng dalawang lalaki, ngunit kahit
gabing-gabi pa, parang ayaw pa nilang tapusin ang araw; may lungkot at
panghihinayang sa kanilang tinig.
“Medyas na nylon,
pasara na ! Otsenta sentimos ang isang pares … otsenta sentimos isang pares !
Paubos na ang medyas na nylon. Huling tawag ! Medyas na nylon …
Dumaan ang
kanilang sasakyan sa gilid ng kalye patungo sa daan, sa direksyon ng tore ng
pamilyang Hu. Pumedal ang isang tindero samantalang ang isa ay nakaluhod sa
sasakyan at iwinawagayway ang isang pares ng medyas na nylon. Sandali
lang ang kanilang lungkot na mabilis na pinalitan ng pambihirang tuwa. Ang
kanilang mga tinig – isang mataas, isang mahina – ay iginala ng hangin sa gabi.
Sa sumunod na
araw, nakabenta siya ng muffler.
Sa ikatlong
araw, wala siyang naitinda.
Sa ikaapat na
araw, wala pang kalahating oras pagkabukas niya ng tindahan, nakapagbenta siya
ng kasuotang pang-army sa apat na karpintero na kababalik lamang sa
Beijing mula sa timog. Pagkagaling sa Estasyon ng Beijing, tumungo sila sa hardware
sa tore ng pamilyang Hu, at nang marating nila ang Silangang-tulay,
nagkulay talong ang kanilang labi dahil sa lamig. Naligtas ang kanilang mga
balat ng kasuotang panlamig ni Huiquan, at ang kanilang pera ay mabilis niyang
isinilid sa kaniyang bulsa. Bago siya nakapagtinda, matamlay niyang hinarap ang
negosyo, ngunit nagbigay ng inspirasyon ang pagbili ng mga karpintero. Tiyaga
ang susi para sa isang buhay na matatag. Kahit sa pinakamalalang panahon,
walang ibubunga ang mawalan ng pag-asa. Mas mabuting maghintay kaysa sa umayaw,
dahil walang makaaalam kung kalian kakatok ang oportunidad, Hindi naman sa
lahat ng pagkakataon ay malas ka, hindi ba ? Nag-iisip si Huiquan.
Mula sa Raya :
Pagbasa at Pagpapahalagang Pampanitikan
sa Filipino ni
Aurelio S. Agcaoli,20
Nagmamadali ang Maynila
ni Serafin C. Guinigundo
“GINTO… GINTO… Baka po kayo may
ginto riyan? Mga mama … mga ale… ginto..” ang alok-anyaya ng isang babaing
nakakimona at ang saya ay humihilahod sa sakong at siyang lumilinis sa makapal
na alikabok sa bangketa.
Baka po kayo may ginto?” ang
muling sigaw ng babae.
“Kung may ginto ako ay bakit
ipagbibili ko ? Hindi baga mahal ang ginto kaysa sa kwalta?” sambot ng isang
lalaki na ang kausap ay ang kaakbay.
Ang kalipunan ng mga taong
naglipana sa Azcarraga, Avenida Rizal at Escolta ay mga mamimiling walang
puhunan (karamihan) at mga tagapagbili ng mga bagay na wala sa kanila at lalong
hindi kanilang pag-aari. Ang hanapbuhay ng mga ito ay magtala sa papel ng mga
bagay na nababalitaang ipinagbibili. Madalian ang kanilang usapan. Mabilis
magkasundo. Tiyak ang pook na tipanan - - sa harap ng isang mesa: sa ibabaw ng
umaasong kapeng-mais na pinapuputla ang kulay ng gatas na may bantong gata ng
niyog. Kung sila’y palarin: kakamal ng libo, kung mabigo naman ay gutom
maghapon.
Sa tawaran ay hindi magkamayaw.
Tingin. Tawad. Tingin. Silip. Tawad. Tingin sa singsing, sa kuwintas, hikaw at
pulseras.
“Ilang ply, ano ang
sukat ng goma?” Usisa ng isa.
“Ano? In running condition ba
? Baka hindi. Mapapahiya tayo.” Ang paniniyak ng isa naman.
“Aba! Sinasabi ko sa iyo …
garantisado. Hindi ka mapapahiya ,” tugon ng tinanong.
“Hoy, tsiko, ang iyong lote,
may tawad na. Ano, magkano ang talagang atin doon ? Mayroon na ba tayo ? Baka
wala ? Ihanda mo ang papel.
Bukas ang bayaran. Tiyakin mo
lang ang ating salitaan, ha ? Kahit hindi nakasulat… ikaw ang bahala?” “Ako ang
bahala, boy. Alam mo na ang bilis natin. Hindi ka maaano. Hawak natin ang
ibon.”
- halaw sa Haraya II ni Aurora Batnag et al.
Munting Pagsinta
mula sa pelikulang Mongol:
The Rise of Genghis Khan
ni Sergei Bordrov
Hinalaw ni Mary Grace A. Tabora
Mga Tauhan:
Temüjin- anak ni Yesügei na
mula sa Tribong Borjigin
Yesügei- ama ni Temüjin
Borte- isang dalaginding na
taga ibang tribo
Tagpuan: Kawangis ng madilim na
kalangitan ang nadarama ng magiting na mandirigmang naninimdim sa takbo ng
kapalarang sinapit na nakatalungko sa isang sulok ng makipot at karima-rimarim
na piitan.
Temüjin: Anong saklap na mapiit
sa kulungang malupit? Ito ay silid ng
kalungkutan.Tila kailan lamang
nang kasa-kasama ko si ama…
Yesügei: Temüjin, bilisan mo na
riyan. Kailangan nating magmadali?
Temüjin: Bakit ama?
Yesügei: Malayo ang ating
lalakbayin. Kailangang huwag tayong magpatay-.
patay. Mahalaga ang ating
sasadyain.
Temüjin: Naguguluhan ako sa iyo
ama. Kanina ka pa nagmamadali at
sinasabing mahalaga ang ating
sadya sa ating pupuntahan? Ano ba
iyon?
Yesügei: Ika’y siyam na taong
gulang na, sa edad mong iyan Temüjin ay
dapat ka nang pumili ng iyong
mapapangasawa.
Temüjin: Itay
ako’y masyado pang bata para sa bagay na iyan. Ang kasal ay
sa matatanda
lamang.
Yesügei: Aba’t
ang batang ito, hindi naman ibig sabihin na kapag nakapili ka
na ng babaing
pakakasalan mo ay magsasama na kayo. Isang
simpleng
pamimili lamang ng babae ang gagawin mo at pangakong
siya’y iyong
pakakasalan.
Temüjin:
Ganoon po ba iyon?
Yesügei: Oo,
anak.Tayo’y nabibilang sa Tribong Borjigin kaya’t ikaw ay pipili
ng babaing
mapapangasawa sa Tribong Merit.
Temüjin: Bakit
sa Tribong Merit siya kailangang magmula? Hindi naman iyon
ang ating
tribo.
Yesügei:
Malaki ang atraso ko sa tribo, kaya’t sa ganitong paraan ako’y
makababawi sa
kanila.
Temüjin: Sa
tingin mo ba ama sa ating gagawin ay kalilimutan na nila ‘yon
nang ganoon na
lamang.
Yesügei: Hindi
ko alam. Tingnan natin kung ano ang mangyayari. Mas
mabuting may
gawin akong paraan kaysa sa wala.
Temüjin: Kung
iyan po ang sa tingin ninyo’y tama.
Tagpo: Sa
maliit na nayong liblib na kinatatayuan ng ilang kabahayan.
Yesügei:
Temüjin, magpahinga muna tayo.
Temüjin:
Mabuti ‘yan ama. Napagod na rin ako. Gagalugarin ko lamang ang paligid.
Yesügei: Huwag kang lalayo at mag-iingat ka.
Tagpo:
Mapapadpad si Temüjin sa isang dampa kung saan nakatira ang dalaginding na si
Borte. Mabibigla siya sa di inaasahang pagbagsak ng pinto ng kanilang kusina na
likha ng aksidenteng pagkabuwal ni Temüjin.
Borte: Aaay!
May magnanakaw!
Temüjin: Shhh
(Tatakpan ang bibig ni Borte). ‘Wag kang sumigaw, wala
akong gagawing
masama.
Borte:
(Pipiliting magsalita kahit nakatakip ang bibig.)
Temüjin:
Tatanggalin ko ang pagkakatakip ng bibig mo kung mangangako
kang hindi ka
na mag-iingay. Magtiwala ka sa akin hindi ako.
masama (Habang
dahan- dahang inaalis ang kamay sa bibig ni
Borte.)
Borte: (Sa
isang mahinang tinig) Bakit kita paniniwalaan? Di naman kita
kilala.
Temüjin: Kahit
di mo ako kilala kaya kong patunayan sa iyo na ako’y mabuti.
Borte:
(Mariing pagmamasdan si Temüjin) Aber paano mo patutunayan ‘yang
sinasabi mo?
Sige nga! (Taas noo).
Temüjin: Basta
ba di mo ako pagtatawanan sa sasabihin ko sa iyong patunay.
Borte: Tingnan
natin.
Temüjin: (Tila
seryosong nag-iisip na may ngiti sa labi)
Borte: Anong
nginingiti mo riyan? Sabi mo ‘wag akong tatawa, ikaw lang pala
ang tatawa.
Temüjin: Heto
na, handa ka na ba?
Borte: Kanina
pa, ang bagal mo naman.
Temüjin: Nais
ko sanaaaannnng (magkakandautal) sa…sanang ikaw ang
babaing
mapangasawa ko.( Mababa ang tono)
Borte: Siraulo
ka ba? Niloloko mo ako no? Kabata-bata pa natin.
Temüjin:
Seryoso ako. Ano payag ka ba?
Borte:
Ganon-ganon lamang ba iyon?
Temüjin: Alam
kong mahirap akong paniwalaan, hayaan mong ipaliwanag ko
sa iyo. Kasama
ko si Itay, kami’y papunta sa tribo ng mga Merit
upang pumili
ako ng aking mapapangasawa. Ngunit ikaw ang ibig ko,
ikaw ang
pinipili ko.
Borte: Anong
mayroon sa akin, bakit ako ang pinili mo?
Temüjin: Di ko
rin alam. Ang tanging alam ko lamang ay ito ang ibinigay ng
pagkakataon sa
akin. Ikaw ang aking nakita. Kaya naman
pagbigyan mo
na ako. Hindi naman ibig sabihin na pumayag ka ay
pakakasal na
tayo.
Borte: (Di pa
rin makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari) Di ko malaman
kung ano ang
dapat kong sabihin sa iyo. (Nag-aalangan) Pero… sige
na nga.
Temüjin:
Salamat sa iyo, ako’y labis mong pinaligaya. Asahan mong hindi ka
magsisi sa
iyong desisyon.
Borte:
(Nahihiya at halos di makapagsalita) Paano na ngayon?
Temüjin:
Siyempre tuloy pa rin ang buhay natin. (Masuyo ang pagkakatingin
kay Borte)
Pero darating ang panahon na tayo’y mamumuhay sa
iisang bubong.
Magkatuwang na aarugain ang ating mabubuting
anak.
Borte: Matagal
pa iyon.
Temüjin: Oo,
pangako babalikan kita pagkatapos ng limang taon. Halika
puntahan natin
si Ama. (Kukunin ang kamay ni Borte.)
Tagpo:Magkahawak
kamay na naglalakad sina Temüjin at Borte sa paghahanap sa ama kay Yesügei na
kanilang makikita na nakatunghay sa ilog.
Temüjin: Ama!
Yesügeii:
(Mapapaharap at magpapalipat-lipat ang tingin sa dalawa pati sa
kanilang
kamay) Anong…Sino siya…Bakit?
Temüjin: Ama,
siya po ang babaing napili ko. Si Borte.
Borte:
Magandang hapon po. Kumusta po kayo?
Yesügei: Pero…
Temüjin:
(Agarang magsasalita) Paumanhin po sa pagdedesisyon ko nang di
nagpapaalam sa
inyo pero buo po ang loob ko sa aking ginawa. Sana’y maunawaan n’yo po ako.
Yesügei:
Ganang desidido ka na, sino ba ako para di-sumang-ayon sa iyong
kagustuhan.
Ang iyong buhay naman ang nakataya rito. (Matiim na
titingnan si
Borte) Okay lang ba sa iyo?
Borte: Opo!
Yesügei: Kung
gayon, halina kayong dalawa at kausapin natin ang mga
magulang mo
Borte.
Matapos
makipagkasundo sa mga magulang ni Borte, ang mag-ama ay naglakbay pauwi sa kanilang dampa sa malayong nayon ng
Mongolia. (Si Temüjin ay si Genghis Khan.)
Alam mo ba na…
Ang mga elemento ng dula ay ang
sumusunod?
1. Iskrip
F Pinakakaluluwa ng isang dula
F Lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay
naaayon sa isang iskrip
F Walang
dula kapag walang iskrip
2. Gumaganap o Aktor
F Ang mga aktor o gumaganap ay ang nagsasabuhay sa mga
tauhang nasa iskrip
F Sila ang bumibigkas ng diyalogo
F Sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin
F Sila
ang pinanonood na tauhan sa dula
3. Tanghalan
F Anumang
pook na pinagpasyahang pagdausan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan
4. Direktor
F Ang direktor ang namamahla at nagpapakahulugan sa
isang iskrip ng dula
F Siya
ang nag-iinterpret sa iskrip mula sa pagpasya sa kaayusan ng tagpuan, ng
kasuotan ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga
tauhan
5. Manonood
F Sa kanila inilalaan ang isang dula
F Sila
ang sumasaksi sa pagtatanghal ng mga aktor
Mongol: Ang
Pagtatagumpay ni Genghis Khan
Hinalaw ni
Mary Grace A. Tabora
ni Julian Cruz
Balmaceda
Mga Tauhan ng
Dula :
Don Arkimedes
Don Cristobal
Manuel
Rita
Ang ayos ng
tanghalan ay loob ng isang bahay-mayaman. Makikita sa loob ng bahay ang
kasangkapang antik o sinauna. Ipalalagay rin na ang namamahay ay may ugaling
mapaniwalain sa mga utos ng pananampalataya.Sa dakong kaliwa ng nanonood ay
naroon ang silid ng may bahay. Sa dakong kanan ay may mga bintana, At sa dulong
kanan ay isang pintong patungong labas. Sa dulong kaliwa ay may isa ring
pintong patungo sa isang panig ng looban ng bahay. Pagkaangat ng tabing ay
makikitang nangakaupo at nag-uusap ang magpinsang si Don Arkimedes at Don
Cristobal. Si Don Arkimedes(suot pambahay) at Si Don Cristobal (suot panlakad).
Don Cristobal:
Liwanagin mo ang ating pinag-uusapan, primo, at kung makukuro mo ang magiging
hangga’y maaaring magbago ka ng isipin at palagay.
Don Arkimedes:
Ang lagay ba’y naparito ka upang ipagtanggol ang walang-hiyang iyan?
Don Cristobal:
Isipin mo, primo, na ang tinatawag mong walang-hiya ay tunay mong anak. Ang
bugtong mong anak na iniwan sa iyo ng nasira…
Don
Arkimedes:(Titindig at magpapahalata ng kapootan) ….Primo….iya’y hindi ko na
anak , mula sa mga sandaling iya’y maka-isip na gumawa ng napakalaking
kasalanang gaya ng kaniyang ginawa… siya’y hindi ko na anak… Siya’y hindi
karapat-dapat na magtaglay ng aking apelyido… Si Manoling ay kahiya-hiya…!
Karima-rimarim…! Isang malaking batik iyan sa lahi ng mga Lakambayan… Oo,
walang patawad ang kaniyang ginawa…
Don
Cristobal:Huwag mong ipasupil sa iyong puso ang iyong isip…Ang nangyari sa
inyong mag-ama’y nangyayari sa lahat…
Don Arkimedes:
Nagkakamali ka, primo…hindi nangyari, kailanman sa aming lahi ang bagay na iyan
… Oo talagang walang-hiya, walang turing….walang….
Don Cristobal:
Dahan- dahan…
Don Arkimedes:
Hindi, hindi ako makapagdahan-dahan, kapag naglalagablab ang aking isip sa
galit …Oo… walang pinag-aralan, bastus…
Don Cristobal:
Baka ipalagay tuloy ng mga kapitbahay na ako’y siya mong minumura at
tinutungayaw…
Don Arkimedes:
Ano ang mawawala sa akin pintasan man nila ako, pulaan man ako ng mga
tao?Pagtawanan ako ng kahit sino… walang kailangan …Hindi ba’t ngayo’y
pinagtatawanan na ako, pinupulaan at pinipintasan ng bala ng nakakikilala sa akin…?
Don Cristobal
: Natatalastas ko ang iyong ikinagagalit . Oo, hindi kita sinisisi … sa palagay
ko’y may matuwid ka, datapwat lahat ay may kaniya- kaniyang hangganan …Ang
ginawa ng iyong anak ay isang bagay na di kataka-takang gawin ng kabataan
ngayon … dahil sa kakapusan ng pagkukuro sa mararating…
Don Arkimedes:
Primo… alam mo na kung gaano ang pagtatangi ko sa iyo, kaya kung pinahahalagahan
mo ang ating parang magkapatid na pagsasama ay hinihiling kong huwag na nating
pag-usapan ang bagay na iyan… (palipas.) Sapagka’t makakain mo bang gawin sa iyo
ng itinuturing mong bugtong na anak pa naman na ikaw ay dalhan ng isang apong
ni di man lamang nagdaan sa simbahan? Kung sa bagay ,tayong lahat ay naging ama…
ang aking ama ay naging ama rin … ang ama ng aking ninuno ay naging ama rin …ang
ama
ng…
Don Cristobal:
Oo, ang ama ng iyong ninuno …ay naging ama rin.
Don Arkimedes:
Ngunit ni isa ma’y di nagkaroon ng kapangahasang gaya ng kapangahasang ginawa
ng aking “mabait” na anak…Sayang, sayang ang pagkakapagpaaral ko sa hayop na
iyan…Oo, sayang…! Walang education…
Don Cristobal:
Ikaw rin ang masisisi sa nangyaring iyan at hindi ang anak mo lamang … Pinalaki
mo sa malabis na layaw ang iyong anak. Nalimutan mo ang sabi ni Florante na---
Ang laki sa
layaw,
Karaniwa’y
hubad
Sa hatol at
munit sa
aral ay salat…
Don Arkimedes:
Nakita mo na? Sa bibig mo na rin nagmumula ang pagbibigay sisi sa magulang,
dahil sa kagagawan ng anak… saka ngayon ay ikaw ang mamamagitan upang huwag
kong pansinin at alintanain ang kaniyang kaalibughaan…?
Don Cristobal:
Dapat mong malaman, primo, na ako man ay nagdaramdam din sa nangyari, kaya’t
kinausap ko si Manoling at sinabi ko sa kaniya na ang kaniyang ginawa ay pangit…
napakapangit…!
Don Arkimedes
: Kapangit-pangitan…ang sabihin mo!
Don Cristobal
: Oo, Pangit pa sa dilang pangit…ngunit ano ang sinabi niya sa akin? “Tito
Cristobal”, ang sabi niya… “Ang nangyari ay nangyari na at hindi na natin
maiuuli pa sa rati. Hindi ko maaaring itapon sa lansangan ang aking anak …” At
kung ang ginawa ng iyong anak, ay gaya ng ginagawa ng iba na ayaw kumilala sa
laman ng kaniyang laman, at sa dugo ng kaniyang dugo…ano ang sasabihin mo?
Don Arkimedes:
Lalo ko siyang mapapatay… Kung may pitong buhay man siya’y uutasin kong lahat…
Don Cristobal:
Mangyari pa… kaya ngayon, si Manoling ay wala ng paraan at magagawa kundi ang magpasan
ng tungkulin ng isang ama…ang sabi nga niya: “ang nangyari’y nangyari na.” At
tsaka sa ibig mo, primo… agwelo ka na … isang bagong Arkimedes ang sumilang sa
iyong angkan na siyang magpapakilos ng daigdig ….”
Don Arkimedes:
Agwelo?
Don Cristobal:
Mangyari, may apo ka na … at di apo sa pakinabang kundi
apong tunay…
isang apong magdadala ng iyong pangalan… Arkimedes Lakambayan Junior …
Don Arkimedes:
Iyan ang hindi maaari.
Don Cristobal:
Kung ayaw ka ng “Junior” ay tatawagin nating Arkimedes
Lakambayan,
II, nalalaman mo bang ipinanganak ang iyong apo ng mismong araw ng iyong ika-50
kumpleanyos?
Don Arkimedes:
Basta kung ayaw kong ipamana sa kaniya ang aking ngalan at apelyido, ay ano ang
kaniyang magagawa? Maiaalis baga sa aking ipagkait ko ang aking pangalan sa
iba?
Don Cristobal
: Diyan ka nagkakamali. Isang katutubong karapatan ng iyong apo na gamitin ang
pangalang sa kaniya’y ukol. Iyan ang kayamanan mong maaaring kunin sa iyo ng
iba sa harap-harapan, at ikaw ay di makakikibo. At saka isa pa: Kasalanan ba ng
iyong apo na ang maging ama niya’y si Manuel, at ikaw ang maging nuno?
Don Arkimedes:
Matanong kita : sino ang kamukha ng bata?
Don Cristobal
:Ikaw sa isang dako…
Don Arkimedes:
Ano ang ibig mong sabihin?
Don Cristobal:
Kamukha mo sapagkat kung makasigaw ay abot sa kapitbahay.
Don
Arkimedes:Demonyo…!
Don Cristobal:
At kung tumawa..walang iniwan sa kanyang agwela sa ina.
Don Arkimedes
: Sa ina? Sa ina ni Rita? Ang labandera?…Isang butil na lamang upang kalusin
ang salop… Oo….Iyan pa nga ang hindi ko malunok-lunok. Papasok sa silong ng
bubong ng aking tahanan ang isang anak lamang ng labandera…! Pasasaan ka, oo
pasasaan ka?
Don Cristobal:
Diyan ka nagkamali ng panukat, primo. Kilala ko ang ina ni Rita. Oo, labandera
nga, ngunit ikaw ma’y hahanga sa babaing iyon noong nabubuhay….Sa kaniyang
sariling pagsisikap at sa likod ng di kakaunting pagtitiis, kahit gapang , iginapang
ang pagpapaaral sa kaniyang bugtong na anak, si Rita nga, at una ang Diyos, si
Rita’y nakatapos sa Normal School at nakapagturo sa paaralang bayan…
Datapwat diyan siya nakilala ng iyong anak…Namatay ang kaniyang ina, at si Rita’y
naiwan sa piling ng kaniyang tiya, na halos sunod-sunod na parang organo ang
mga anak. Si Rita’y naalis sa pagtuturo, mula sa sandaling makilala ng mga
pinuno ng paaralang bayan ang kaniyang kalagayan… at ngayo’y mag-ina silang
sasagutin ng iyong anak…
Don Arkimedes:
Samakatuwid, ang Ritang iyang anak ng labandera’y….
Don Cristobal:
Isang babaing malinis, may puri, may dangal…at maliban sa
munting batik
na nilikha ng kalikutan at kagandahang lalaki ng
iyong anak…ay
walang maisusurot sa kaniya ang
makasalanang
lipunan ng mga tao.
Don Arkimedes:
Di kung gayon ay mag-iisang buwan na ang anak?
Don Cristobal:
Oo, isang buwan at labintatlong araw…
Don Arkimedes:
At hindi pa nabibinyagan?
Don Cristobal:
Hindi pa, sapagkat ang ibig nila’y magpakasal muna bago
pabinyagan ang
iyong apo…
Don Arkimedes:
O, ay ano ang kanilang ginagawa? Bakit di pakasal kung
pakakasal, at
pabinyagan ang bata, upang lumaking moro at
simaron…
Don Cristobal:
Kung sa bagay kapwa nangasagulang maging si Manuel,
maging si Rita…ngunit
palibhasa’y ibig ni Manuel na
mahugasan ang
kaniyang pagkakasala, kaya ang hinihintay
ay ang iyong
pahintulot…
Don Arkimedes:
Pahintulot? Aanhin pa ang pahintulot? Nang siya ba’y
magtayo ng
‘templo’ ay nangailangan ng aking pahintulot ?
Komporme na
akong siya’y mag-asawa , kung ibig niya,
upang
mailigtas sa kasalanan ang kaniyang walang malay
na anak…
ngunit kung ako pa ang magiging alkagwete na
magbibigay ng
pahintulot… ay iyan ang hindi maaari.Sinabi
mong sila’y
may layang pakasal…. Aber… pakasal sila,at
tapos ang
kuwento. /Palipas/ Hindi ko sinisisi ang bata …
ang sinisisi
ko’y ang ama’t ina … kaya kung ibig nila’y
pakasal sila,
kahit makasanlibo at ako’y di kikibo , sapagkat
sinabi ko sa
iyo na malaon nang nayari ang aking pasiya:
ako’y walang
anak. Ako’y nagkaroon ng isang anak na
suwail, at ang
suwail na yao’y malaon ko nang ipinagtulos
ng kandila.
Don Cristobal
: Bueno…Kung mag-uulit tayo ng salitaan ay hindi na kita
sasagutin.
Naganap ko na ang aking tungkulin: “Ang
paalaala’y
gamut sa taong nakalilimot….” anang kasabihan.
Napaalaalahanan
na kita, ngunit kung ikaw ang nagkukusang
lumimot sa
iyong tungkulin ay wala akong magagawa.
Don Arkimedes:
Pinasasalamatan kita, pinsan… ngunit bago ka umalis, ay
utang na loob
sa iyo, kung makikita mo si Manoling, sabihin
mo lamang na
ibig ko siyang makausap. Kapag sa unang
tanungan namin
ay di sumagot sa akin ng tama … o
nasirang
Manoling siya o ako’y hindi na si Arkimedes…
Don Cristobal
: Oo, nariyan lamang si Manolo …. Tatawagin ko. (Tutungo sa
may pinto at
babalik)Ngunit ang paalaala ko lamang sa iyo …
Huwag mong
kalilimutang si Manoling ay iyong anak.
Don Arkimedes:
Nalalaman ko. Oo… hindi ko kalilimutan na siya’y aking
anak…
Don Cristobal:
At hindi mo dapat pagbuhatan ng kamay…
Don Arkimedes:
Bakit ko pagbubuhatan ng kamay?
Don Cristobal:
Nakikilala kita … kapag nagdidilim ang iyong isip ay
gumagawa ka ng
di mo nalalaman…
Don Arkimedes:
Oo, nalalaman ko….
Don Cristobal:
At isaisip mo na ikaw man, at ako man ay nagdaan din tayo sa
kabataan.
Don Arkimedes:
Pero, tatawagin mo ba, o ako ang tatawag…?
Don Cristobal: Oo, ako ang
tatawag… Ay, Arkimedes…Arkimedes!
(Papasok sa pintong kanan,
samantala’y yao’t dito sa buong bahay si Arkimedes na bulong ng bulong at
kumpas ng kumpas.)
Nahahati ang kohesiyong
gramatikal na pagpapatungkol sa dalawa, ang anapora at katapora.
1. Anapora- ito ay panghalip na ginagamit sa hulihan bilang
pananda sa pinalitang
pangngalan sa unahan.
Mga Halimbawa:
a)
Kung makikita mo si Manoling, sabihin mo lamang na ibig ko siyang makausap.
b)
Si Rita’y nakapagturo sa paaralanang-bayan, diyan siya nakilala ng iyong anak.
c) Kinausap ko si Manoling,
sinabi ko sa kaniya na ang kaniyang ginawa ay pangit.
2. Katapora- Ito ang panghalip na ginagamit sa unahan bilang
pananda sa pinalitang
pangngalan sa hulihan.
Mga Halimbawa:
a) Siya’y hindi karapat-dapat
na magtaglay ng aking apelyido, si Manoling
ay kahiya-hiya!
b) Ano ang mawawala sa akin
pintasan man nila ako, pulaan man ako ng mga tao?