Lunes, Hunyo 23, 2014

pangatnig at transitional devices




Batay sa bahagi ng kuwentong iyong binasa, bumuo ng ilang pahayag
na may kinalaman dito ayon sa tamang pagkakasunod-sunod gamit ang
sumusunod na salita upang malaman mo kung nakatutulong ang paggamit ng
transitional devices sa pagsasalaysay. Isulat ang iyong sagot sa papel.

subalit           datapwat      ngunit        samantala                saka
kaya             dahil sa        sa wakas     sa lahat ng ito        kung gayon


Ang mga pangatnig at transitional devices ay ginagamit sa paguugnay-ugnay ng mga pangungusap at sugnay. Sa pamamagitan nito,napagsusunod natin nang tama ang mga pangyayari sa isang kuwentoayon sa tamang gamit nito. Pangatnig ang tawag sa mga salitang naguugnaysa dalawang salita, parirala o sugnay, at transitional devicesnaman ang tawag sa mga kataga na nag-uugnay sa pagsusunod-sunodng mga pangyayari (naratibo) at paglilista ng mga ideya, pangyayari atiba pa sa paglalahad.


Kasunod ang ilang halimbawa ng pangatnig at transitional devices na karaniwang ginagamit sa Filipino:

Mga Pangatnig:
1. subalit - ginagamit lamang kung ang datapwat at ngunit ay ginamit
na sa unahan ng pangungusap.
Mga Halimbawa:
a. Datapwat matalino siya, wala naman siyang kaibigan.
b. Mahal ka niya, subalit hindi niya gaanong naipapakita ito.
c. Marami na akong natutuhan, ngunit tila kulang pa ito.
2. samantala, saka – ginagamit na pantuwang
Mga Halimbawa:
a. Siya ay matalino saka mapagbigay pa.
b. Abala ang lahat, samantalang ikaw ay walang ginagawa.
3. kaya, dahil sa – ginagamit na pananhi
Mga Halimbawa:
a. Kaya hindi natututo ang tao dulot ng kaniyang kapalaluan.
b. Siya’y nagtagumpay dahil sa kaniyang pagsisikap.


Transitional Devices:
1. sa wakas, sa lahat ng ito - panapos
Mga Halimbawa:
a. Sa wakas, natuwa ang ama dahil sa kabaitan ng anak.
b. Sa lahat ng ito, napagtanto ng mga anak na sila’y mahal na
mahal ng kanilang ama.
2. kung gayon – panlinaw
Mga Halimbawa:
a. Malinaw ang paalala ng ina sa kaniya, kung gayon kailangan
niyang pagbutihin ang kaniyang pag-aaral.









Maikling Kwento, elemento, uri ng maikling kwento, alamat, tula at sanaysay


 MAIKLING KWENTO
       isang maikling salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan na nagtataglay ng iisang kakintalan.
       Isa rin itong panggagad sa reyalidad o isang kaganapan/karanasan sa buhay ng isang tao.
 











 Mga Elemento ng Maikling Kuwento

Banghay  - Dahoy ng mga pangyayari sa kuwento
Tagpuan   -Nagsasaad ng lugar na pinangyayarihan ng aksiyon gayundin ang panahon kung kailan naganap  
                  ang kuwento
Tauhan     - Ang mga karakter na nagbibigay buhay sa kuwento.
Tunggalian/Suliranin    -Problemang haharapin ng mga tauhan
Paksang-Diwa/Kaisipan    -Pinaka kaluluwa ng salaysay/mensahe ng kuwento

Uri ng Maikling Kuwento

1. Kuwentong Pangkatutubong Kulay
Binibigyang diin ang kapaligiran at ang pananamit ng tauhan, uri ng pamumuhay at hanapbuhay ng mga tao sa isang partikular na pook.

2. Kuwentong Makabanghay
Binibigyang diin ang daloy ng kuwento; ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba sa tauhan.

ALAMAT (Legend)
       Isang salaysaying hubad sa katotohanan tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay o katawagan.
       Karaniwan ay pasaling-dila
       Tulad ng maikling kuwento, ito ay may tauhan, tagpuan, suliranin at aral.
       Maraming bersyon (dahil saling dila)

TULA (Poem)
       May  SUKAT, TUGMA, KARIKTAN at TALINGHAGA
       Tulang Naglalarawan (
       Gumagamit ng hambingan noon ngayon at hinaharap


SANAYSAY (Essay)
       Ito ay pagpapahayag ng kuro-kuro o opinyon ng may-akda tungkol sa isang suliranin o pangyayari.
       Halimbawa nito ay ang isang editoryal sa pahayagan

Uri ng Sanaysay

Pormal o Maanyo
Naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa pamamagitan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling salitang tinatalakay.

Di-pormal o Palagayan
Mapang-aliw. Nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga paksaing karaniwan, pang-araw-araw at personal.