MAIKLING KWENTO
| ||||
Banghay - Dahoy ng mga pangyayari sa kuwento
Tagpuan -Nagsasaad ng lugar na pinangyayarihan ng aksiyon gayundin ang panahon
kung kailan naganap
ang kuwento
Tauhan - Ang mga karakter na nagbibigay buhay sa kuwento.
Tunggalian/Suliranin -Problemang haharapin ng mga tauhan
Paksang-Diwa/Kaisipan -Pinaka kaluluwa ng salaysay/mensahe ng kuwento
Uri ng Maikling Kuwento
1. Kuwentong Pangkatutubong Kulay
Binibigyang
diin ang kapaligiran at ang pananamit ng tauhan, uri ng pamumuhay at hanapbuhay
ng mga tao sa isang partikular na pook.
2. Kuwentong Makabanghay
Binibigyang
diin ang daloy ng kuwento; ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na
nakapagpapaiba sa tauhan.
ALAMAT (Legend)
• Isang salaysaying hubad sa katotohanan tungkol sa
pinagmulan ng mga bagay-bagay o katawagan.
• Karaniwan ay pasaling-dila
• Tulad ng maikling kuwento, ito ay may tauhan, tagpuan,
suliranin at aral.
• Maraming bersyon (dahil saling dila)
TULA (Poem)
• May SUKAT,
TUGMA, KARIKTAN at TALINGHAGA
• Tulang Naglalarawan (
• Gumagamit ng hambingan noon ngayon at hinaharap
SANAYSAY (Essay)
• Ito ay pagpapahayag ng kuro-kuro o opinyon ng may-akda
tungkol sa isang suliranin o pangyayari.
• Halimbawa nito ay ang isang editoryal sa pahayagan
Uri
ng Sanaysay
Pormal o Maanyo
Naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman
sa pamamagitan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo
sa ikalilinaw ng pinakapiling salitang tinatalakay.
Di-pormal o Palagayan
Mapang-aliw. Nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng
pagtalakay sa mga paksaing karaniwan, pang-araw-araw at personal.
|
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento