Lunes, Hunyo 16, 2014
ang malalabay na sanga, “Kultura: Ang Pamana ng Nakaraan,Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan”, Ang Pagbabalik, Sitti Nurhaliza: Ginintuang Tinig at Puso ng Asya
Ang Malalabay na Sanga
Kung ang ugat ng puno ay tulang naglalarawan, ano kaya ang
magiging mga sanga? Tukuyin batay sa babasahing bahagi ng tula na
pinamagatang “Elehiya para kay Ram” na isinulat ni Pat V. Villafuerte, ang
mga katangian ng mga salita ayon sa pagkakagamit at pagkakabuo ng
bawat taludtod. Ilista ang mga katangiang iyong mapupuna kaugnay ng tula
sa mga sanga ng mga puno upang unti-unting yumabong ang kaalaman natin
kaugnay nito.
Kung ang kamatayan ay isang mahabang paglalakbay
Di mo na kailangang humakbang pa
Sapagkat simula’t simula pa’y pinatay ka na
Ng matitigas na batong naraanan mo
Habang nakamasid lamang
Ang mga batang lansangang nakasama mo
Nang maraming taon.
Silang nangakalahad ang mga kamay
Silang may tangang kahon ng kendi’t sigarilyo
Silang may inaamoy na rugby sa madilim na pasilyo.
Sa pagitan ng maraming paghakbang at pagtakbo
Bunga ng maraming huwag at bawal dito
Sa mga oras na nais mong itanong sa Diyos
Ang maraming bakit at paano
Ay nanatili kang mapagkumbaba at tanggaping ikaw’y tao
At tanggapin ang uri ng buhay na kinagisnan mo.
Buhay na hindi mo pinili dahil wala kang mapipili.
Buhay na di mo matanggihan dahil nasa mga palad mo
Ang pagsang-ayon, ang pagtango at pagtanggap
Bilang bagong ama ng lima mong nakababatang kapatid.
Naririto ang tulang isinulat ni Pat V. Villafuerte na pinamagatang
“Kultura: Ang Pamana ng Nakaraan,Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng
Kinabukasan”
Tuklasin mo kung paano niya inilarawan ang kultura sa
magkakaibang panahon at upang malaman mo kung paano naiiba ang tulang
naglalarawan sa iba pang uri ng tula ayon sa layon.
KULTURA: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan,
at Buhay ng Kinabukasan
ni Pat V. Villafuerte
NOON, ang bawat paghakbang ay isang pagtalunton,
isang pagtahak sa matuwid na landas upang marating ang paroroonan
gaano man ito kalapit, gaano man ito kalayo
gaano man ito kakitid, gaano man ito kalawak
kaunti man o marami ang mga paang humahakbang
mabagal man o mabilis, pahintu-hinto man o tuloy-tuloy
ang bawat paghakbang ay may patutunguhan.
ang bawat paghakbang ay may mararating.
ang bawat paghakbang ay may pagsasakatuparan.
hindi na mabilang ang paghakbang na naganap sa ating kasaysayan
paghakbang na pinuhunanan ng pawis, dugo at luha
paghakbang na kinamulatan ng maraming pagsubok,
pangamba at panganib
Note to tha artist: Drowing ng isang balde na may mga nahuhulog na
salitang “salita” sa loob nito.
DRAFT
March 24, 2014
48
mula pa sa panahon ng kawalang-malay
hanggang sa panahon ng walang humpay na pananakop,
digmaan at kasarinlan
at hanggang sa kontemporaryong panahon ng makinasyon
sumibol ang kayraming kulturang sinangkutsa sa ating diwa’t kamalayan
kulturang may ritmo ng pag-awit, may kislot ng pagsayaw,
may haplos ng pag-aalay, may lambing ng panunuyo
at tangis ng pamamaalam.
ito ang ating tinalunton, ito ang bunga ng ating paghakbang:
ang kulturang ipinamana sa atin ng nakaraan.
NGAYON, sa panahon ng pagkamulat at maraming pagbabago,
binhing nakatanim ang maraming kulturang
nag-uumapaw sa ating diwa
nagbabanyos sa ating damdamin
nag-aakyat sa ating kaluluwa
sinubok ng maraming taon
inalay sa mga bagong sibol ng panahon
anumang kulay, anumang lahi, anumang edad, anumang kasarian
ang kultura’y pinayayabong
nang may halong sigla at tuwa,
nang may kasalong pagsubok at paghamon
kulturang sinusuyod ng kapuri-puring ugali at marangal na kilos
kulturang inihahain ng pagsamba’t prusisyon
kulturang sinasalamin ang pasko’t pistang-bayan
kulturang pinaaawit ng pasyon at pagsasabuhay ng Poon
kulturang patuloy na sumisibol at ipinapupunla ng tradisyon:
pampamilya, pang-eskuwela, pampolitika, panrehiyon at pambansa
na dinilig ng maraming pagpapaalala, paggabay at patnubay
at pinayaman ng makukulay na karanasan
kulturang inihain at tinanggap, sinunod at isinakatuparan
ito ang regalo ng kultura
regalo ng kasalukuyan.
BUKAS, ang kulturang itinudla ng nakaraan
at inireregalo ng kasalukuyan ay bubuhayin ng kinabukasan
at mananatiling repleksyon ng kabutihan
kulturang gagalang sa mga bata’t matanda
kulturang rerespeto sa mga babae’t may kapasanan
kulturang luluklok ng pagbabayanihan at pagkakapatiran
kasaliw ng mga awiting bayan at katutubong sayaw
katali ng pagsasadula’t pagbabalagtasan
diwang marangal ang ipupunla. kariringgan ng maraming wika
magkakapantay sa kalayaan at karapatan
magsasama-sama, magkakapit-bisig, magtutulung-tulungan
habang patuloy na humahakbang upang galugarin pa
ang kulturang pagyayamanin ng ating lahi
ng lahing magiting
ng lahing kapuri-puri
ng lahing marangal.
Ang Pagbabalik
ni Jose Corazon de Jesus
Babahagya ko nang sa noo’y nahagkan,
Sa mata ko’y luha ang nangag-unahan;
Isang panyong puti ang ikinakaway,
Nang siya’y iwan ko sa tabi ng hagdan:
Sa gayong kalungkot na paghihiwalay,
Mamatay ako, siya’y nalulumbay!
Nang sa tarangkahan, ako’y makabagtas
Pasigaw ang sabing, “Magbalik ka agad!”
Ang sagot ko’y “Oo, hindi magluluwat!”
Nakangiti akong luha’y nalaglag...
At ako’y umalis, tinunton ang landas,
Nabiyak ang puso’t naiwan ang kabiyak;
Lubog na ang araw, kalat na ang dilim,
At ang buwan nama’y ibig nang magningning:
Maka orasyon na noong aking datnin,
Ang pinagsadya kong malayang lupain:
Kuwagong nasa kubo’t mga ibong itim,
Ang nagsisalubong sa aking pagdating.
Sa pinto ng naro’ong tahana’y kumatok,
Pinatuloy ako ng magandang loob;
Kumain ng konti, natulog sa lungkot,
Ang puso kong tila ayaw nang tumibok;
Ang kawikaan ko, “Pusong naglalagot,
Mamatay kung ako’y talaga nang kulog!”
Nang kinabukasang magawak ang dilim,
Araw’y namimintanang mata’y nagniningning;
Sinimulan ko na ang dapat kong gawin:
Ako’y nag-araro, naglinang, nagtanim;
Nang magdidisyembre, tanim sa kaingin,
Ay ginapas ko na’t sa irog dadalhin.
At ako’y umuwi, taglay ko ang lahat,
Mga bungang-kahoy, isang sakong bigas;
Bulaklak na damo sa gilid ng landas,
Ay pinupol ko na’t panghandog sa liyag;
Nang ako’y umalis, siya’y umiiyak...
O, marahil ngayon, siya’y magagalak!
At ako’y lumakad, halos lakad takbo,
Sa may dakong ami’y meron pang musiko,
Ang aming tahana’y masayang totoo
At nagkakagulo ang maraming tao...
“Salamat sa Diyos!” ang nabigkas ko,
“Nalalaman nila na darating ako.”
At ako’y tumuloy... pinto ng mabuksan,
Mata’y napapikit sa aking namasdan;
Apat na kandila ang nangagbabantay;
Sa paligid-ligid ng irog kong bangkay;
Mukha nakangiti at nang aking hagkan;
Para pang sinabi “Irog ko, paalam!”
Sitti Nurhaliza: Ginintuang Tinig at Puso ng Asya
ni Jan Henry M. Choa Jr.
Isa sa pinakamahusay na mang-aawit sa Asya si Sitti Nurhaliza mula
sa bansang Malaysia. Nagkamit siya ng iba’t ibang parangal sa pag-awit hindi
lamang sa kaniyang bansa kundi maging sa pang-internasyunal na
patimpalak. Isa na rito ang titulong “Voice of Asia” nang makamit niya ang
Grand Prix Champion mula sa Voice of Asia Singing Contest na ginanap sa
Almaty, Kazakhstan.
Labing-anim na taong gulang siya nang pumasok sa larangan ng pagawit.
Dahil sa likas na talento sa pag-awit, narating niya ang rurok ng
tagumpay bilang multiple-platinum selling artists sa Malaysia. Sinundan ito ng
mga di-mabilang na pagkilala mula sa mga prestihiyosong gawad-parangal
tulad ng MTV Asia, Channel V, Anugerah Juara Lagu Malaysia.
Hindi lamang sa pag-awit nakilala si Sitti. Siya rin ay isang manunulat
ng awit, record producer, presenter o modelo at mangangalakal. Sa
katunayan, siya ay nagmamay-ari ng produktong Ctea, isang tsaa sa
Malaysia. Mayroon din siyang sariling production company, Sitti Nurhaliza
Production na nasa larangan ng entertainment.
Siya rin ay itinuturing na isa sa
pinakamaimpluwensyang tao at pinakamayamang
artista sa Malaysia.. Sa kabila ng pagiging sikat at
mayaman ay hindi nalilimutan ni Sitti Nurhaliza ang
magkawanggawa. Nakikibahagi at nakikiisa siya sa
maraming gawaing-kawanggawa sa loob at labas
ng Malaysia. Ito ay isa sa maganda niyang
katangian. Marunong siyang tumulong sa kaniyang
kapuwa bilang pagbabalik-biyaya sa kaniyang mga
tinatamasa.
Tunay na ipinagmamalaki si Sitti Nurhaliz ang kaniyang mga
kababayan bilang Asyano na may sadyang husay sa pagkanta at may
natatanging kontribusyon sa larangan ng musika. Ang kaniyang magandang
tinig at mabuting kalooban bilang isang babaeng Muslim na mang-aawit ay
isa lamang sa mga katangiang nagugustuhan ng kaniyang mga tagatangkilik.
Isang idolo na may ginintuang tinig at ginintuang puso ng Asya.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento